Chapter 4 - First Day

6 2 0
                                    

***

Nang matapos kami sa paglilibot ay bumalik na kami sa dorm namin. Nadatnan naman namin 'don yung tatlong lalaki na busy sa pag-kain nila. Naka-kain na kami kaya hindi na kami kakain. Napag-usapan din namin na ako na daw ang magluluto. Itatanong daw muna nila Cheska sa mga boys.

"Ano approve ba kayo 'don?" tanong ni Cheska sa tatlong boys.

"Hmmm oo naman!" si Rash. "Ang pait ng luto ni Nate eh! Hindi marunong." umasta pa siyang nandidiri.

"Sige ba!" pag-payag din ni Sean. "Tama nga naman si Rash. Sunog ang mga niluluto sa 'min ni Nate."

"Tsk!" singhal ni Nathan. Lagi siyang seryoso at wala kang mababakas na emosyon sa mukha niya. Hindi mo alam kung kaylan siya nagagalit, seryoso, natutuwa, at malungkot. Napaka-hirap niyang hulaan.

"Bukas na pala ang first day natin ah?" si Kaycee. "Alina-eonni ano pala ang lulutuin mo bukas?"

"Hmm kahit ano. Ano bang gusto niyo?"

"Bakit eonni? Mas matanda siya satin?" si Sean.

"Hindi naman. Ilang taon ka na ba, Alina?" si Cheska.

"15."

"Oh magka-edad lang kami." si Cheska. "Ang pinaka-matanda sa tin dito ay si Nathan. Di ba Nate?"

"16 lang ako." si Nathan.

"Oo nga ganun na din yun. Ang pinaka-bata naman satin dito ay si Kaycee dahil 14 palang siya." si Cheska.

"Oo nga Nathan-oppa." si Kaycee. "Excited na kong mag solve uli ng new case. Kaylan kaya yun?"

"Case?" nanglaki ang mata ko.

"Mmm we're detectives here." si Cheska. "Hindi mo alam?"

Agad akong umiling. "Hindi!" bigla akong kinabahan pero excited din at the same time.

Natawa nang mahina si Cheska. "It's okay. Sure naman akong mage-enjoy ka. Masaya 'yon."

"Pero mahirap at the same time." napatingin ako kay Rash nang sabihin niya yun. "Sino ba namang magso-solve ng crime case na madadalian lang? Kahit sabihin mo pang may seventh sense tayo ay syempre mahihirapan pa din tayo."

"Pero mas magaling tayo kaysa sa mga ordinary detectives because we have seventh sense." si Cheska. "Mas madali lang."

"Yeah pero hindi yun ang sinasabi ko--"

"Ayun ang sinasabi mo, Rash!"

"Sanay na kami sa kanila, Alina-eonni." si Kaycee. "Lagi silang ganyan." aniya pa. Natawa naman ako nang mahina.

Nagitla kami nang biglang bumukas ang pinto ng dorm at aalis ulit si Nathan. "Saan ka na naman pupunta, Nate?" tanong ni Rash sa kanya pero hindi na siya sumagot at umalis nalang.

Lumipas ang ilang oras at natutulog na silang lahat maliban sa 'kin. Wala pa nga din si Nathan eh. Hindi ko siya hinihintay, sadyang hindi lang talaga ako makatulog. Pumunta muna ako sa kusina at nag timpla ng hot choco, nagbabaka-sakaling makatulog ako dahil 'don. Nang makapag-timpla na ko at babalik na sana ako sa sala pero biglang may bumukas, ang pinto ng dorm namin. Narinig kong si Nathan pala ang pumasok pero may kasama siya.

"Blaze hindi ka ba talaga titigil, ha?!" tinig ni Nathan.

"Nate, bakit ba nagagalit ka? Hindi ko naman pinapakelaman ang pag-tanggi mo sa responsibilidad di ba? Naglagay ka pa ng impostor." yung Blaze. Damn! Siya 'yon!

"Tanggalin mo nga yang maskara mo! Naaalibadbaran ako jan." si Nathan.

Huminga ako ng malalim at tahimik na sumilip sa gawi nila at saktong tinanggal ni Blaze ang maskara niya. Ang gwapo pala niya ah? Pero bakit naka-maskara siya? Aish!

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon