Chapter 19 - Worried

1 0 0
                                    

***

Neiko

~

Lumabas na kami sa Kodo Building at bumalik sa dorm pero nang mapansin kong hindi namin kasama si Constance ay nangunot ang noo ko. Nasaan siya? Lumabas uli ako sa dorm namin at nilibot ang paningin sa labas at bumalik sa Kodo. Hindi pa ba siya nakaka-alis 'don?!

"Oh nandito din kayo?" nagulat ako nang makita ko dito sila Nathan, Lynx, at Aleron. "Anong ginagawa niyo dito?"

"H-Ha?" kinamot ni Aleron ang batok niya. "N-Nawawala kase si N-Nisha eh."

"Ano?! Nawawala din ang Valerie ko ah!" si Lynx.

Tumingin kaming tatlo kay Nathan na naka-kunot na ang noo ngayon. "Eh ikaw?" tanong ko sa kanya.

"H-Ha?" umiwas siya ng tingin. "M-May... may ano kase. Nawawala kase ang taga-luto namin!"

Naningkit ang mata ko. "Taga-luto?"

"Oo! Si Alina nawawala eh."

"Ayun ang sabihin mo!" ngumuso ako. "Taga-luto taga-luto. Psh!"

"Eh ikaw? Bakit ka nandito?"

"S-Si Constance kase. Nasan ba yung babaeng 'yon?!"

"Teka nga." lumapit sa 'min si Lynx. "Ako may rason ako dahil girlfriend ko si Valerie. Eh kayo? Leader lang."

Oo nga 'no? Eh bakit ba kase ako nandito? Malaki na si Constance, kaya na niya ang sarili niya!

"H-Hindi kaya..." si Aleron. "Baka nadakip sila ng mga methuselah?!"

"A-Ano?!" sigaw naming tatlo at kumabog ng malakas at mabilis ang puso ko. Damn!

And the next thing I know is tumatakbo kami papunta sa dorm namin at kumuha ng warrior hanbok para iligtas sila Constance. Damn! Bakit ba kase hindi nag-sasabi yung babaeng 'yon?!!! Hindi ba niya alam na nag-aalala ako?! Nang maka-labas ako sa dorm namin ay naka-salubong ko sila Nate na naka-warrior hanbok na din. What the hell are we doing?!

"N-Nasaan na sila?! Nakita niyo?!" si Lynx.

"Tara hanapin na natin!" tumakbo kami papunta sa gubat. Paniguradong nandito sila at nasa kamay ng mga methuselah. Kapag may nangyaring masama sa mga 'yon, yari sila sa 'kin! Yayarii ko ang mga methuselah na 'yon! Humanda sila!

Huminto kami sa kaka-takbo. "W-Wala naman." hingal na hingal kami.

"Damn! Nasan na ba kase yung babaeng 'yon?" si Nate.

Ginamit ni Lynx ang seventh sense niya. Ang seventh sense niya ay kapag pumikit siya at nag concentrate at ang gusto niyang hanapin o makita ay nasa void. Makaka-punta siya sa isang void at doon niya makikita kung nasan sila Constance. Makalipas ang 20 segundo ay dumilat na siya at naka-hinga ng maluwag. "Ayos lang sila. Pabalik na sila sa Aithne High. Kinausap pala sila ni Headmaster pero ngayon ay pabalik na sila."

Naka-hinga kami ng maluwag. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?! Nag-aalala ako! Hindi ko pa 'to nararamdaman ngayon.

"Tara na bumalik na tayo sa Aithne." anyaya ko sa kanila at sabay-sabay kaming bumalik sa Aithne. Pina-hirapan kami nila Constance! Yung mga babaeng 'yon! Badtrip!

Nang maka-balik kami 'don ay may nakita kaming mga pamilyar na babae. Sila na ba yan?! Nagka-tinginan kaming apat at nilapitan sila.

"Wow..." natigilan sa pag-sasalita si Valerie nang bigla kaming lumapit.

"Ang ganda." naiusal ko. Ang gaganda nila!

"Kami? Oh yeah we know!" si Constance. Napalunok ako.

"Yung hood!" pag-tanggi ko.

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon