Chapter 29 - Promise

0 0 0
                                    

***

Sabay sabay kaming pumunta sa Kodo Building. Kinakabahan ako pero sa tuwing ngingitian ako ni Nathan at hahawakan niya ang kamay ko ay kumakalma ako, ganun ang epekto niya sa 'kin. I want to choose him but I also want to know the truths that I don't even know yet. In this battle, we both resist, not just me, not just him, we both fight so we both have to win.

Pumasok na kami sa loob ng Kodo building at umupo. Marami-rami na din ang mga studyanteng mga nandito ngayon at nag-bubulungan na parang ayos lang sa kanila ang lahat, tanggap nila kung ano ang mangyayari.

Nang umakyat sa stage ang Headmaster at Headmistress ay ayan na naman ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito e wala pa nga silang sinasabi. Eh hindi ko pa nga alam kung isa nga ba talaga ako sa mapipili. Psh! I am overreacting.

Tumikhim si Headmaster. "Okay so students." panimula niya. "We are all here today to listen to the announcement that the Headmistress and I will make."

"We want to tell you that we have chosen someone to be our keepers." si Headmistress. "Kung matawag ang pangalan niyo ay pumunta kayo sa office ni Sensei Haruto Akiyama."

"But gusto din naming ipa-alam sa inyo na hindi pa dito nag-tatapos ang lahat. After the battle, may battle pa para sa mga susunod na Seekers." si Headmaster. A-ayan na... "Okay mag-sisimula na kaming mag sabi ng pangalan." muli siyang tumikhim. "Dominic Duras of Vikings."

"Frances Stoll of Leopards." si Headmistress.

"Angel McKay of Ravens." si Headmaster.

"Nisha Swift of Knights." si Headmistress. Kasama si Nisha!

"Valerie Swift of Panthers." si Headmaster. Kasama din si Val.

"Constance Hestia of Phoenix." si Headmistress.

Sa Titans na! Kalma lang, Alina, please calm down.

"And last but not the least..." si Headmaster. "Zephyrine Collins of Titans."

Parang nawalan ako ng hininga. A-ako ba ang tinutukoy nila? "Zephyrine Alina Collins." dugtong pa ni Headmistress. Hala ako nga!

"No!" biglang tumayo si Nathan. "That is insane!" sigaw niya sa buong crowd.

"No, Mr. Montecilla." si Headmaster. "Please calm down, Supreme Student Government President."

"Ha! You're telling me to calm down?!" dinuro pa siya ni Nathan kaya tumayo na ko para pakalmahin at awatin siya pero hindi siya natinag.

"Bakit hindi natin tanungin si Miss Collins." si Headmistress. "Ms. Collins, do you want to accept this opportunity?"

Napatingin ako kay Nathan, umiiling-iling siya kaya nakagat ko ang labi ko. If I'm one of the Keepers, hindi lang ako ang laging ililigtas ni Nathan, kaya ko na din siyang mailigtas, mas makaka-buti siguro yun. "I...I will accept it, Headmistress."

"No!" hinawakan ako ni Nathan. "No please no, yeochin please..."

"Nathan I'm sorry. Ayokong ako na lang ang lagi mong nililigtas, gusto kong may kakayahan din akong mailigtas kayo--"

"But you already did save me." aniya. "This is already my second life at ang gusto ko ay tayong dalawa lang please." may mga luhang tumulo na sa pisngi niya. "Please, yeochin, please don't do this."

Umiling ako nang umiling, naramdaman ko na lang na lumuluha na din ako. "I'm sorry."

"B-bakit?" tanong niya. "Am I not enough yet--"

"No. No, Nathan. You are more than enough. I want to do this."

"Then why? Why do you want to do this?!"

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon