***
Habang naglalakad ako at hinahanap ang mataas na tore ay parang lumilipad ang isip ko. Iniisip ko si Nathan at kung kaylan siya aalis. Ngayon na ba? Mamaya? Bukas? Kaylan?! I think I'm going crazy! Parang sasabog na ang utak ko sa kaiisip. Bakit ba ganito na lang ang epekto niya sa 'kin? UGH! I hate this! Nag patuloy na lang ako sa pag-lalakad at pilit na iwinaglit sa isip ko ang mga narinig kong aalis si Nathan.
"H-Hija p-pwede b-bang m-maka-hingi ng tu-tulong?" nagulat ako nang biglang may matandang babaeng sumulpot sa harapan ko at may bitbit na mabibigat na kahon.
"Ah s-sige po tulungan ko na po kayo." kinuha ko ang ilan sa mga mabibigat niyang kahon na dala.
"Naku m-maraming salamat."
Nginitian ko siya. "Wala po 'yon. Ayos lang po sa 'kin basta naka-tulong ako." Totoo 'yon. Talagang masaya ako kapag tumutulong ako. Ewan ko ba! Kahit nung mga earthlings pa ang mga kasama ko ay tumutulong ako lalo na sa mga pulubi.
Ngumiti ang matanda. "Tama yan, hija, dapat maging matatag ka. You maybe encounters many defeats but you must never be defeated." ngumiti siya sakin. "Tandaan mo lagi; there's a rainbow always after the rain."
Napangiti ako at hinawakan ko ang necklace ko. Pano ba kase e naalala ko yung sinabi ni Nathan! Bwisit na Nathan! Aalis na siya agad!
"A-ayos lang ba sa 'yo kung ihatid natin 'to hanggang sa maka-uwi ako? M-Mabigat kase eh."
Nag nod ako sa kanya. "Ayos lang po, ayos lang."
Wala naman akong pupuntahan mamaya. This is my last activity. Bahala na kung ano ang mangyayari sa 'kin, wala naman akong pakialam. Wala na nga si Nathan eh umalis na siya.
"Ayos ka lang ba hija?" nagitla ako nang tanungin ako ng lola.
"H-ha? O-opo ayos lang." ngumiti ako kahit alam ko namang pilit yun.
Napabuntong hininga ako. Ano ba ang dapat kong gawin?! "Namimiss mo na ba hija?"
Nagulat ako sa tanong ni lola kaya kumunot ang noo ko pero nanatili ang ngiti sa labi niya. "P-po?"
"Alam mo, hija, hindi mo dapat iniisip kung ano ang nasa hinaharap, ang importante ay ngayong present." At kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi ni lola ay nakinig pa din ako. "Noong ganyan akong edad sa iyo, natakot din ako dahil iniisip ko kung ano ang mangyayari sa hinaharap." lumungkot ang mukha niya, ang kaninang ngiti ay naging mapait. "At hayun ako, wala nang nagawa dahil pinakawalan ko ang nag-iisang tao na aking iniibig."
Parang tinamaan ako something sa sinabi niya ah? Hindi ko naman siya gusto, oo hindi ko gusto si Nathan. May iba akong gusto.
***
Valerie
"No Valerie! Hindi ka aalis! Hindi ako papayag." mas hinigpitan pa ni Lynx ang pagkaka-yakap sa 'kin. Alam na kase niya ang last activity ko at ayun ay dragon hunting.
Parehas kaming lumuluha dahil walang kasiguraduhan ang mangyayari ngayon. "Lynx, I need to do this."
"No! No boo please, please just stay, stay with me." humagulgol siya. "H-hindi ko hahayaang mangyari sa 'kin ang sakripisyo noon ni Nathan hindi! Hindi ako papayag!"
Hinarap ko siya sa 'kin. "Hindi mangyayari sa 'yo yun. Mag-kaiba tayo ng sitwasyon, iba ang sitwayson nila Nathan noon at iba tayo, iba tayo sa kanila." hinawakan ko ang pisngi niya. "Please trust me, Lynx, babalik ako."
Umiling siya nang umiling. "N-natatakot ako. Hindi ko k-kaya!"
"Kaya mo, please Lynx, kailangan ko nang umalis." kinuha ko ang bag ko at kahit umatungal pa siya ng napaka-lakas ay hindi ko na siya pinansin at dumiretso na palabas ng tent.

BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mystery / Thriller(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...