Chapter 26 - Camping: Before Anyone/Anything Else

1 0 0
                                    

***

Naka-labas na ko ng tore at ngayon ay kumakaripas ako ng takbo papunta sa camp site. Parang hindi ko nararamdaman ang pagod habang tumatakbo ako. Pero ganun na lang ang gulat ko nang biglang magka-sabay na kami ni Constance na tumatakbo pero umiiyak siya at parang hindi niya ko napansin kaya hinayaan ko na lang.

"No. No." hindi ko na natapunan ng tingin ang tinig sa likuran ko na sigurado naman akong si Valerie.

"Ah!" biglang may nadapa sa gilid ko kaya natigilan kami sa pag-takbo. Nadapa si Nisha.

"Nisha!" bulalas ko nang makita ang mga mukha nila. Kung ako ay puro alikabok at puro itim sa mukha at mugto ang mata ay sila naman ay puro sugat at dugo ang mukha nila at katawan.

Gagamutin ko na dapat ang sugat nila pero pinigilan ako ni Nisha. "W-Wag na, Alina, k-kailangan ko nang maka-balik sa camp site natin." pinilit niyang tumayo at kahit iika-ika ay tumakbo pa din siya, ganun na lang din ang ginawa namin.

Halos isang oras kaming tumakbo pero parang hindi namin nararamdaman ang pagod at hindi ininda ang sakit sa katawan. Ganito ba talaga? Ganito ba talaga kapag may mahal kang isang tao at kailangan mo nang maka-balik dahil nag-hihintay siya?

Nang maka-rating kami sa camp site at agad nang bumigay ang katawan ko. "Ayan na sila!" bulalas nung apat na lalaki, sila Nathan.

"A-Alina." hinawakan ni Nathan ang pisngi ko. "Wake up! Open your eyes!"

Minulat ko ang mata ko at mukha niya agad ang nakita ko. "N-Nathan."

"B-bakit namumula ang mata mo? Umiyak ka ba?!"

Sa halip na sumagot ay nginitian ko lang siya. Naramdaman ko nalang na kinarga niya ko at pinasok sa tree house.

***

Lynx

"Boo--"

"Wag kayong lalapit!" agad na pigil sa 'kin ni Valerie. Bakit? Anong nangyari? Nilagpasan niya ko at pumasok na sa tent niya. V-Val...

"C-Constance ayos ka lang ba?" si Neiko.

"Wag muna ngayon." matamlay din na nag lakad papasok ng tent si Constance.

"N-Nish--" Natigilan si Aleron nang bigla nalang bumagsak sa sahig si Nisha at nawalan ng malay. "Nisha!" agad siyang tumakbo papunta sa nobya at kinarga ito.

"Bakit ganun?" naloloko nang ani Neiko. "Bullshit! Halos mabaliw-baliw tayo tapos--Err!" pumasok na lang din siya sa loob ng tent nila.

Anong nangyari? B-Baka pagod lang sila? Oo tama pagod lang sila. Wag kang OA, Lynx. Bukas ay magiging sweet uli sa 'yo si Valerie mo.

***

Nathan

Kinarga ko si Alina at pinasok siya sa tree house. What happened? Tell me please.

Hiniga ko siya sa kama at aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko na para naman akong nakuryente. Ganito kalakas ang epekto niya sa 'kin!

"N-Nate." bigkas niya sa pangalan ko. Napapikit siya ng mariin at sunod-sunod na luha ang bumagsak sa mata niya. No, please, stop crying, darling, nasasaktan ako. "S-Sorry."

"Sshh..." pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. "Why are you sorry?"

"P-pwede bang b-bukas ako mag paliwanag?"

"O-Oo!" tatayo na sana ako pero pinigilan niya uli ako. "Do you s-still l-like me?"

Kumunot ang noo ko. "Parang two years naman tayong hindi nag-kita. Kung maka-tanong ka ah?"

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon