Chapter 36 - First Mission: Witness

0 0 0
                                    

***

ALINA

Kakatapos lang namin kumain pero hindi pa din mawala sa isip ko ang sulat na pina-dala sa 'min at ang picture ko. Kung sino man ang nag-papadala no'n, he better stop or whoever and whatever he is or she is. Hindi na nakaka-tuwa ang mga ginagawa niya. It's creepy.

"May witness na daw." bigla kaming nilapitan ni Aleron at Lynx dahil silang dalawa ang nag hanap ng iba pang informations habang kumakain pa kami nila Nathan dahil nauna na silang matapos kumain.

"Sino?" napababa tuloy sa upuan si Nathan para alamin kung sino ang mga witness sa first mission namin na 'to.

Uminom muna silang dalawa ng tubig bago mag salita, halatang hingal na hingal sila. Paano ba kase sila nag hanap ng informations? "Si Grace Jimenez."

"Sino pa?" usisa ni Nathan.

Umiling silang dalawa. "Isa lang daw ang witness."

"Ha? Imposible!"

Kumibit balikat yung dalawa. "Hindi namin alam."

"Pero pakinggan muna natin ang sasabihin niya." tinanguan kami ni Lynx para sumang-ayon kami.

Nagka-tinginan muna kaming walo at sabay sabay na nag tanguan. "Sige pumunta na tayo sa bahay niya." tinanguan kami ni Aleron at nanguna na sa paglalakad.

Habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Grace Jimenez ay nararamdaman kong parang may mga matang naka-tingin sa 'min at kapag sinabi kong "mga" ibig sabihin ay madami sila, siguro mga tatlo o dalawa. "S-Saan ba ang bahay nung witness?" tanong ko kayla Lynx at Aleron.

"Eto dito." sinenyasan kami ni Aleron na sumunod sa kanya. Pumasok kami sa isang bahay, hindi siya maliit pero hindi din siya malaki.

"K-Kayo ba ang mga detectives?" nanginginig pa ang mga kamay ni Grace. Tumango kami sa kanya at pina-upo niya kami sa couch. "A-Ano ba ang gusto niyong m-malaman?"

"Paano mo sila nakita? Saan mo sila nakita?" si Nathan na ang unang nag tanong.

"Noong August 20 ay ang araw kung kaylan nawala si Brian Acob. 7 pm na ng gabi nun at pauwi na ko galing sa SM dahil namili ako ng mga gamit ko, mauuna ang gubat kaysa sa bahay ko kaya napadaan ako do'n at nakita ko si Brian na bumaba sa bike niya at pumasok ng kusa sa gubat kahit hindi naman niya ugaling iwanan ang bike niya. Magkaka-kilala kaming lahat dito sa bayan namin kaya oo, kilala ko siya."

Hindi ugaling iwan ng bata ang bike niya pero ginawa pa din niya? It's making sense. Pwedeng may tumawag sa bata kaya napag-pasyahan niyang iwan muna ang bike niya dahil may plano pa siyang lumabas ng gubat. Maaaring may humihingi ng tulong o talagang may tumatawag lang sa pangalan niya.

"Noong August 22 naman ay ang pagka-wala ni Polly Wilson. 6 pm pa lang no'n at kaya ko siya nakita dahil mag-tatapon ako ng basura kaya nakita ko siya na umiiyak, lalapitan ko na sana siya pero malapit nang mag curfew kaya tinapon ko na muna ang basura at bumili ako ng biscuit para ibigay sa kanya at huminto na siya sa pag-iyak pero pag-balik ko do'n e nakita ko siyang nag-lalakad, nasa loob na siya ng gubat pero naaaninag pa siya kaya tinawag ko siya pero hindi siya sumasagot at dumiretso siya sa gubat. Susundan ko na sana siya pero biglang nag ring ang cellphone ko at sinugod daw sa hospital ang nanay ko kaya pumunta na lang ako sa hospital."

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon