Chapter 38 - Headmaster

0 0 0
                                    

***

ALINA

Finally! September 8 na kaya nag-hahanda na sila para bukas dahil start na ang foundation day. Ang saya talaga dahil wala kaming naging case and mission nitong mga nakaraang araw, puro logic lang kami kay Miss Roxie at may mga premyo pa kapag nanalo ka. Ang pinaka-memorable nitong mga nakaraang araw ay yung nagpa-riddle si Miss Roxie, tapos ang premyo daw ay 2 VIP tickets para sa movie date. Kaso natalo ako at natalo din si Nathan at ang nanalo naman ay si Rash pero wala naman siyang maisasama kaya binigay na lang niya sa 'min ni Nathan dahil next next week na ang first month namin, hindi ko alam kung alam niya at kung may paki siya.

"Salamat nga pala do'n sa ticket." biglang sabi ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya. Nagpapa-salamat siya?

"Ah haha wala 'yon!" tumawa pa si Rash. "Wala naman akong makaka-sama do'n."

"Eh bakit hindi mo yayain si Cheska?" suhestiyon ko.

Humagalpak siya ng tawa. "Yung bungangera na 'yon? No thanks."

"Sinong bungangera?" Uh oh.

"H-Ha?" napalunok pa si Rash. Naku lagot siya.

"Psh!" napa-halukipkip si Cheska at nanguna na sa paglalakad.

"Wooh..." biglang nagpa-kawala ng isang malakas na buntong-hininga si Rash. "Bago yun ah? Hindi niya ko binatukan?"

Nagkatinginan kami ni Nathan at paniguradong parehas kami ng iniisip. Paano kaya kung sila Cheska ang mag-katuluyan? Bagay naman sila eh. Nahinto lang kami sa pag-lalakad nang biglang umilaw ang necklace namin ni Nathan. New mission. Nag tanguan lang kami nila Rash at umalis na kami ni Nathan. Naka-salubong pa namin sila Nisha at Aleron.

"May mission ba ulit?"

"Ano pa nga ba?" I shrugged. Nag madali na kaming pumunta sa agency namin dahil paniguradong doon yun.

Ano kaya ang second mission namin? Delikado kaya or hindi? Habang papunta kami sa agency namin ay may nararamdaman akong naka-tingin at naka-masid sa 'min. Pakiramdam ko ay isang pares ng mata lang yun kaya napahinto ako at luminga sa paligid. Nahagip ng mata ko ang isang naka-black hoodie cloak at pula ang mga mata niya. Bigla tuloy akong kinilabutan.

"Alina? Alina." natinag lang ako nang tawagin ako ni Nathan.

"H-Ha?"

"Yeochin let's go." hinila na niya ko palayo do'n pero ang mga mata ko ay naka-tingin pa din sa naka-black, kumunot agad ang noo ko nang bigla itong nawala. Saan napunta yun? Hindi naman ako nag-hahallucinate. Alam ko kung ano ang nakita ko. I'm not hallucinating.

Pumasok na kami sa loob ng agency namin at nakita ko naman na naunahan na kami nila Constance dito pati na din sina Valerie, naka-tayo naman sa tabi nila ang Headmistress. These past few days, hindi ko na nakikita ang Headmaster, nasaan kaya siya?

"Pina-tawag ko kayo rito dahil may bagong mission akong iaatas sa inyo." kaswal na sabi ni Headmistress.

Nag bow kami sa kanya bilang pag galang. "Ano po yun, Headmistress?"

Napabuntong hininga ang Headmistress. Paniguradong hindi madali ang sasabihin niya sa amin kaya ganyan na lang ang reaksyon at emosyon niya. Kinakabahan na tuloy ako sa kung ano ang sasabihin niya.

"Our Headmaster..." umiling siya. Naku anong nangyari kay Headmaster? "Kaya wala siya rito nitong mga nakaraang araw ay dahil nawawala siya at hindi namin alam kung nasaan siya. So ibinibigay ko sa inyo ang mission na 'to para hanapin ang kapatid ko."

Nag nod kami sa kanya. "Masusunod, Headmistress."

"Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para matagpuan uli natin ang Headmaster." maawtoridad na sambit ni Neiko.

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon