Chapter 18 - Announcement

2 0 0
                                    

***

Sir Haruto

~ flashback ~

"Bakit kami pina-punta dito ni Headmaster?" tanong ko kay Agent Hanna nang maka-punta kami sa SMAA.

"Hindi ko din alam, sensei. Pumasok ka na lang sa loob." pinag-buksan niya pa ko ng pinto ng office ni Headmaster. Nakita ko naman sa loob ang mga sensei din tulad ko at sina President Nicolas, VP Michael, at Headmaster, pati si Headmistress.

"Umupo ka, Haruto." tinanguan ako ni Headmaster kaya umupo ako sa bakanteng upuan, sa tabi ni Roxie.

"Bakit tayo nandito?" bulong ko sa kanya pero nag-kibit balikat lang siya.

Tumikhim si Headmaster. "Pina-punta ko kayong lahat dito dahil kayo lang ang makaka-tulong samin sa pag-desisyon sa pag-pili ng mga bagong keepers." panimula niya. "Kayo ang mga sensei nila pero may plano na kami nila Headmistress at napagka-sunduan na namin yun."

"Ano po ang gusto niyong malaman?" si Kage. "Kung itatanong niyo kung sino ang karapat dapat sa apoy ay walang iba kundi ang mga Phoenix ko." ngumiti siya. "Ang apoy ay Phoenix."

"Alam namin yun." si President Nicolas. "Pero sa tingin ko ay hindi pa handa ang anak kong si Neiko para 'don."

Natawa ng mahina si Kage. "Mawalang galang na, President Nicolas pero matapang ho si Neiko."

"Hindi lang ang pagiging matapang ang isang kakayanan dapat ng isang keeper. Kailangan ito ng may dignidad, mabuting loob, independent, free-spirited." si Headmistress. "Nag padala na kami ng tanong para sa mga bata at nasagot nila yun." tinuro niya ang isang medyo may kalakihang kahon. "Eto naman ay recorder sa sagot nila Zephyrine Alina Collins at Constance Helia Hestia." pinlay niya ang recorder.

"Both. Why? Kase ang magkaron ng responsibilidad ay kayang mag ligtas sating lahat. Kaya kong bawiin ang Phoenix sa kamay ng mga Methuselah at maka-laya tayo sa kanila. At yung puso ko? Hindi ko siya sasaktan. Pipiliin ko siya kasabay ng pag-pili ko sa responsibilidad. Kung ayaw niya, ipapaliwanag ko sa kanya." tinig ni Constance.

"Both. Dahil kung pipiliin ko lang ang puso ko ay hindi ako sasaya. Well, sabihin na nating kaya niya kong pasayahin pero hindi ko mapapasaya ang sarili ko dahil hindi ako makaka-tulong sa ibang tao. I will chose my responsibilities but that's not mean that I will not choose him. Of course I'll still choose him dahil siya ang magiging dahilan ko para maging malakas at gawin ng tama ang mga responsibilities ko. He is my weakness but he is my strength. May dahilan ako para maka-balik ng ligtas, right?" tinig ni Alina.

"And eto naman ang sagot nila Nisha Marigold Swift and Kairi Valerie Swift." pinlay uli ni Headmistress ang recording.

"I will choose the Responsibilities and my heart. Alam kong hindi magiging madali kung ito ang pipiliin ko pero pinili ko ang responsibilities para mailigtas sa kapahamakan ang mga mahal ko." tinig ni Valerie.

"I'm choosing both. Kase kapag puso ko lang ang pinili ko ay alam kong mag-mumukha akong tanga kung hindi ko siya o sila kayang ipag-laban sa lahat. So If I choose Responsibilities, magkakaron ako ng mga responsibilidad, oo, pero at least maliligtas ko sila. Hindi magiging madali pero kailangang tanggapin. I will accept my responsibilities because first of all, I am a Senshi, and Senshis are not losing." tinig ni Nisha.

"But Nisha is a Knight." si Kage.

"Sinabi ba naming siya ang mag-wawagi?" si Headmaster. "May plano kami, Sensei Kage, wag kang mag-alala."

"Silang apat lang ang may sagot na both na ikina-kuha ng atensyon namin." si Headmistress. "The rest ay responsibilities. Why? Because they--"

"They are greedy in power." natigilan kaming lahat nang biglang mag salita si VP Michael.

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon