***
Tinanghali na ko ng gising ngayong umaga dahil napuyat ako kagabi. Ang sakit ng mga katawan ko, ganito kase ako kapag napupuyat. Natandaan ko tuloy nung 13 years old palang ako, nag puyat ako dahil sa pag-babasa tapos pag-gising ko, ang sakit ng leeg at buong katawan ko. Ngayon, nangyari na naman.
"Eng!"
"Oh come on, kaka-gising ko lang!" At kahit naiinis ako, bumangon pa din ako dahil kailangan ko nang pumunta sa agency namin, sa Twilight.
Nag ayos muna ako at pumasok sa pintong pina-sukan namin kagabi ni Nathan papunta sa SMAA. Kaso ngayon, didiretso na ko sa agency namin 'don sa Twilight.
Nang mag bukas ang elevator ay lumabas na ko 'don at pumasok sa pinto ng agency namin, this is a building na Room 301 ang naka-sulat sa itaas. Pumasok ako sa loob at talagang nahiya ako nang makitang nandon na silang lahat, maliban sa 'kin.
"S-Sorry. Na-late ako ng gising." naupo ako sa sofa.
"Ayos lang." si Neiko. "Bakit mo nga pala kami pina-tawag, Nathan?"
What?! Si Nathan ang nagpa-tawag? Ugh! Bakit naman? Hindi ba siya aware na puyat ako?!
Pina-lapit kami ni Nathan sa table niya, naka-upo siya sa swivel chair na parang boss. May pinatong siyang illustration board sa lamesa. "We have a mission."
"Mission? Pero mamaya na ang night ball natin di ba?" kontra ko.
"Yes, but saglit lang naman 'to, kung makikipag-participate kayo."
"Oo naman. Makikipag-participate kami." pag-ayon ni Valerie.
"Tell us." kaswal na sabi ni Neiko.
Tumikhim naman muna si Nathan bago mag salita. "Alam niyo ba ang Nightville?"
"Yeah, it's a small town." pag-sagot ko.
"'Don tayo pupunta." pina-ikot niya ang swivel chair niya at muling humarap sa 'min. "This illustration board is a map. May wolf case kase 'don sa Nightville and murder cases at the same time. Humingi na ko ng pahintulot nila Headmaster kung pwedeng mag solve pa din tayo ng cases, and they answer is yes." tinignan niya kami isa isa. "Are you in, Shadow-Z Slayers?"
"We're in."
"Good." tumayo si Nathan. "Our new and first client is Alisha Garcia."
Alisha Garcia? Sino naman yun?
"Kikitain natin siya mamaya do'n sa jollibee, malapit lang dito sa Aithne High." dagdag pa ni Nathan.
"Nakita na namin siya eh, 'di ba Nathan?" si Lynx. "Ang ganda niya."
"Talaga?" si Val.
"Oo ang ganda niya." tumango tango pa si Lynx kaya naka-tanggap siya ng batok mula kay Val. "Boo naman?" ngumuso pa si Lynx.
Humalukipkip si Valerie. "Kailangan ba talaga nating i-solve ang case nung Alice Garcia na 'yon?!" may pagka-iritado sa boses niya.
"Alisha yun boo. Alisha Garcia." pag-tatama ni Lynx kay Valerie.
"Oo nga! Alisha!"
Hala nag-seselos. Napatingin na lang ako kay Nathan at mukhang wala siyang pakialam sa mga nangyayari ngayon sa paligid niya dahil busy siya sa pag-hahalungkat ng files sa lagayan ng mga files sa may ilalim ng table niya.
"Anong hinahanap mo, namchin?" hindi ko na maiwasang mag tanong.
Napabuntong hininga siya. "The files. The old files. Yung mga naging cases and missions nila Nicolas."

BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mistério / Suspense(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...