Chapter 24 - Camping: Treetop Dinner

0 0 0
                                    

***

"Saang lupalop mo naman nahanap yung batang hawak ni Nathan?" biglang sumulpot si Valerie sa tabi ko. "Feel na feel nung isa oh!" tinuro niya pa si Nathan na karga si Briget habang nilalaro yun.

"Jan lang sa bundok ng mga Callan." sagot ko sa kanya. "Bakit?"

"Sana maka-swerte din ako sa bundok ng mga Callan. Naka-nguso kase si Lynx oh---"

Nginsihihan ko siya. "Eh baka gusto ng sariling baby?"

"Loko." natatawang aniya kaya natawa na din ako. "Sige na baka gabihin ka pa. Tandaan mo yung sinabi ni Nathan, bawal kang lumagpas ng 7 pm. Dapat saktong 7 pm ay nandito ka na."

"Sige. Kakayanin ko."

"Oh sya sya mamaya pa kase ang next activity ko eh." aniya. Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin. "Bumalik ka ng ligtas ah?"

"Oo wag kayong mag-alala." niyakap ko siya pabalik.

Kumalas siya sa pagkaka-yakap namin. "Sige bye!" kumaway pa siya.

Nag lakad ako palapit kay Bridget. "Hoy timplahan niyo 'to ng gatas ah! Kapag umiyak timplahan niyo kaagad!" utos ko sa mga mokong na pinag-lalaruan si Bridget.

"Oh wag kang iiyak, Betchin ah!" tinuro pa ni Rash si Bridget.

"Bridget kase 'yon!" pag-tatama ko sa kanya.

Kinamot niya yung ulo niya. "Ay Bridget ba? Akala ko kase Betchin."

Natawa nalang ako ng mahina at umiling-iling dahil sa mga kalokohan nila. "Sige na mauna na ko a--"

"7 pm!" habilin pa ni Nathan. "7 pm. Hindi pwedeng lumagpas. Sakto dapat."

"Opo!" tinanguan ko sila at umalis na.

6 pm na kaya ang activity ko ngayon ay sa cave. I need to go to the cave.

***

Constance

"Ahh! Ang ingay ingay naman 'non!" nag-papapadyak ako dahil sa inis. Hindi na ako makapag-focus dahil sa ingay. Kaya tumayo ako at sinundan ang ingay kung saan nang-gagaling. "Parang pusang iyak ng--oh my god!"

Parang nakita ko yung baby sa 'kin. Ganyang ganyan kase ako. Iniwan ako ng nanay ko sa isang basket at nilapag sa labas ng gate ng Aithne High. Nalaman nila kung sino ang tatay ko dahil may naka-sulat sa papel.

"Kawawa ka naman." nilibot ko ang paningin ko at nahagip nun ang isang papel.

8 months old. January 25 - birthday.

Ayan ang naka-sulat 'don. 8 months old? My god! He is a boy and his eyes are green. Wala ba siyang pangalan? Uhm! Ako na lang siguro ang mag-bibigay sa kanya ng pangalan. Ano kayang maganda?

"Ahm... Ezekiel? Or Ezekiel Reese? Tama!" sabi ko na ikina-bungisngis nung sanggol. "Pero san naman kaya kita dadalhin? Your eyes are green, maybe you are a Senshi too. Pero anong Senshi? Magnus? For sure. But what family? Panther." binuhat ko ang bata at bumalik sa camp site dahil hindi ko siya pwedeng isama sa pag-lalakbay ko.

"Anak ng! Pati ikaw may kasama nang bata?" bungad sa 'kin ni Racy.

"Shut up! Where's Neiko?"

"Ayun oh! Nilalaro yung pamangkin niya."

"Pamangkin?" tinignan ko kung ano ang tinuturo niya. Oh a baby! "Kaninong anak?"

"Ewan."

"Meet Ezekiel Reese." pakilala ko sa kanila sa bata.

"Oh his eyes are green." si Neiko. "Pulot din? Bakit ba kayo pulot nang pulot ng mga bata?!"

Umuwang ang bibig ni Ezekiel Reese nang makita yung batang karga ni Nathan. "Sino yan?" turo ko sa batang babae.

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon