Chapter 9 - First Case: Wrong Move

2 0 0
                                    

 ***

Bumalik na kami ni Cheska sa van kasama ng mga nakalap naming informations. Nadatnan naman namin dun si Kitt ang sina Rash at Nathan na halatang kakadating lang din nila sito sa van. Naupo kami sa harap ng lamesa, nasa harap namin sina Nate at Rash.

"Eto ang mga nakalap naming informations sa mga primary suspects." nilapag ni Cheska ang clip folder dahil hindi na niya yun sinoli sa babae. "Kung mapapansin niyo, halos sabay-sabay silang nag check in at nag check out. Same date din."

"Pero sa tingin namin ni Nathan ay hindi sila ang mga dapat na ilagay natin sa primary suspects." napa-halukipkip si Rash.

"Ano?!" si Cheska. "Sino ba talaga? Pero para sa 'kin ay sila na. Sila ang mga suspects natin at isa sa kanila ang killer or worst, tatlo silang killer."

"Pwede yang deduction mo pero may deduction din si Nathan." tinignan ni Rash si Nathan. "Tell them."

"Jerome's girlfriend died because she murdered, right? And she died in 13th avenue." panimula ni Nathan, agad naman kaming tumango ni Cheska. "At ang sabi ni Jerome ay may nag iwan sa kanya ng note na isusunod na siya ng killer. At ayun nga ang ginawa ng killer, the killer killed Jerome. And he died in 13th floor. Bumagsak ang katawan niya sa lupa pero sa 13th floor siya nabawian ng buhay." dagdag niya pa. "And the new victim named Roberto died at 13:00 or 1:00. Pwedeng kasama dito ang number 13."

Humalukipkip si Cheska. "So may iba pa dapat na suspects bukod sa kanila?" turo niya sa clip folder.

"Yes." ang tanging sagot ni Nate.

"Mahirap mag bintang kung wala tayong proofs kaya masasabi kong hindi sila ang primary suspects pero hindi ibig sabihin nun ay hahayaan nalang natin sila at hindi papansinin. Kailangan din nating bantayan ang mga kilos nila." si Rash.

"Tama si Rash." napatingin kaming apat sa nag salita. Nakarating na pala sina Kaycee at Sean.

"Habang naghahanap kami ni Kaycee ng evidence and informations ay naka-salubong namin sina Neiko at Cyfrin." si Sean. "Parehas na parehas satin ang cases na hawak nila. Binigyan nila tayo ng extra evidences ng case na hawak nila." nilapag niya ang brown envelope sa lamesa namin.

Kinuha ni Nathan ang brown envelope at binuksan yun. Kumunot ang noo niya nang makita ang mga laman ng brown envelope. "Sean's right." aniya. "Parehas na parehas ng satin." nag-dekwatro siya. "First victim, William Gomez, died in 13th avenue. And Jerome's girlfriend died in 13th avenue. Naunang namatay ang girlfriend ni Jerome bago si William Gomez dahil after ng murder sa girlfriend ni Jerome, kinabukasan nun ay sumunod na sa kanya si William Gomez."

"Oh my gosh."

"Same place. Same time. Different date." dagdag pa ni Nate. "Saan ang destination nila Neiko?"

"Sa resort sila. Hotel resort." si Kaycee ang sumagot.

"How about the Knights? Nasaan sila ngayon?"

"Hindi namin alam."

"Hana." pag-tawag ni Nathan kay Hana, agad namang lumapit sa kanya si Hana.

"Yes, Master Nathan?" tugon ni Hana rito.

"Paki-trace ang place ng mga Knights."

"Masusunod po, Master Nathan." si Hana. "Tracing Knights." at biglang lumabas sa monitor niya ang CCTV footage kung nasaan ang mga Knights. Nakikita namin sila sa monitor ni Hana.

"Saang lugar yan, Hana?" si Rash.

"Rosemund Condominiums, Master Rash."

"Rosemund? Rosemund! Di ba naka-punta na tayo jan Nate?" si Rash. "Yup! Alam ko yan! Nakapag-solve na tayo ng case jan 2 years ago."

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon