Chapter 15 - The Second Case: Letter

2 0 0
                                    

***

Pumunta kami sa agency nang matamlay at hindi nag-papansinan. Ayoko na talaga! Hindi ako sanay! "G-Guys." tawag ko sa kanila kaya napatingin silang lahat sa 'kin. Nandito na kami ngayon sa agency namin. "May problema ba tayo?"

"Ha?" silang lima.

"Kase..." kinamot ko ang ulo ko. "Kase hindi tayo nagpapansinan lahat."

Ngumuso si Rash. "Pinapansin ko kayo kanina tapos nilayasan niyo ko!"

Napabuntong hininga si Kaycee. "Kung mag-oopen ba kami sa inyo e ayos lang?"

"Oo naman!" sabay pa kami ni Rash.

"Kase--"

"Sating dalawa nalang 'yon. Please?" pigil ni Sean kay Kaycee. "Kaycee, please?"

Napabuntong hininga si Kaycee. "W-Wala pala. Wala. Ayos lang."

Napatingin kami kay Cheska. "Eh ikaw Cheska?"

"I dreamed about my mom... again." may tumulong luha sa mata niya. "I dreamed about that night... again. My worst nightmare." humagulgol na siya kaya tinabihan siya ni Rash at inalo.

"Sshh..." pagpapa-tahan ni Rash sa kanya.

May pumasok sa agency namin. Akala naman namin client, ang mga Phoenix lang naman pero nakakapag-taka dahil hinihingal sila.

"Y-Yung... OMG!" umiyak si Safira. "No guys no madami pa kong pangarap sa buhay."

Napatayo ako. "Anong nangyari?"

"Lumabas kami para kumuha ng mga kahoy sa gubat pero may nakita kaming babae na naka-sabit sa puno at walang b-buhay tapos sa dibdib niya ay may mensahe." si Neiko.

"Ang sabi sa mensahe ay isusunod daw niya kaming Phoenix Agency. It means, hindi nila kami kilala kaya Phoenix Agency." si Constance.

"Ano?!"

"Yes." tumango si Constance. "May hinawakan kase kaming case kahapon. Siguro nakalaya na yung Tim Enrique na yun."

"Yes and he is so creepy!" umarte pa si Safira na parang kinilabutan.

"Hindi kami maka-hingi ng tulong sa iba kase--"

"Tutulong kami but first..." biglang nag salita si Nathan kaya hindi natuloy ni Neiko ang sinasabi niya. "May misunderstanding kase kaming anim so hindi kami makakapag-trabaho ng maayos kapag ganun."

"Ikaw naman ang gumawa nun." sabi ko na ikinakunot ng noo niya. "Ang sabi mo sa 'kin kagabi I'm confusing you e hindi ko naman alam kung may nagawa ba kong ikinagulo ng utak mo!" nginusuhan ko pa siya pero natawa siya.

Yes he laughed. That's... ugh! Why is he laughing so handsome?

"Bakit ba big deal sa 'yo yun?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "H-Ha?"

"Why is so big deal that to you huh? You're confusing me in that way. You show interest even when you have no interest."

"H-Ha? H-Hindi kita m-maintindihan."

Damn! Bakit ba nauutal ako?!

"Are you interested in me?" tinuro niya pa yung sarili niya.

Nanglaki ang mata ko at umuwang ang labi ko. "Ha! H-Hindi ah!"

"Well, in that case, don't worry about me, don't show that you are interested in me."

Hindi ako maka-tingin sa mga kasama namin dito ng diretso dahil alam ko ang mga reaksyon ng mukha nila. They are teasing us. Tumayo si Nathan. "We're ready to help you now, Phoenix." at umalis siya.

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon