***
Sipa doon, sipa dito.
Suntok doon, suntok dito.
Saksak doon, saksak dito.
Pana doon, pana dito.
Baril doon, baril dito.
Ang dami ko nang ginawa. Napapagod na ko pero nakakapag taka dahil hindi ako sinasaktan ng mga Magnus. Dapat bang hindi ko din sila saktan? O saktan ko sila?
Madami na ding nawalan ng buhay nang dahil sa 'kin. I can't control my self.
"Alina..." napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang labing dalawang mga kasing edad ko lang... siguro?
"S-sino... kayo?" hinanda ko ang espada ko.
"Hindi ka namin s-sasaktan."
"Sinungaling!" sinigawan ko sila. "Kalaban kayo kaya sasaktan niyo ko!"
"Hindi." umiling sila nang umiling. "Hindi totoo yan."
"A-Alina..." umabante palapit sakin ang isa, siya yung lalaki kanina.
"W-Wag kang lalapit." tinutok ko sa direksyon nila ang espada ko.
Umiling nang umiling ang lalaki habang may luhang tumutulo sa mata niya. "Y-Yeochin."
Nakagat ko ang labi ko nang sabihin niya yun, pinigilan ko din ang luha na gustong gusto nang kumawala sa mga mata ko. "Wag ka sabing lalapit eh!"
"Ako si Nathan. Nathan ang pangalan ko."
"H-hindi kita Kilala." umiling ako nang umiling.
"Alina!" lumapit sa 'kin si Sullivan, umatras naman sa 'min ang twelve na students na yun. "Ano pang hinihintay mo? Patayin mo na sila!"
"P-pero-"
"Patayin mo na!" utos niya.
"W-wag, Alina, wag. Wag mong gagawin yun, please." umatras sila nang umatras habang umabante naman ako nang umabante palapit.
"Yan ganyan nga, Alina anak, saktan mo sila, tapusin mo na ang buhay nila."
**
~Nathan
Ayoko ng ganito. Kino-kontrol ni Sullivan si Alina kaya sinusunod lang siya nito. Sinusunod lang ni Alina ang gusto at sasabihin niya.
"Alina, please wag." umiling ako nang umiling. "Y-yeochin please d-don't do this. Please w-wake up."
Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo palayo sa 'min kaya hinabol ko siya. Narinig ko pa ang mga tawag nila Neiko sa 'kin pero hindi ko na sila nilingon, ang alam ko lang ay kailangan kong mahabol si Alina.
"Alina!" sinigaw ko ang pangalan niya. Naka layo na kami sa isla kung saan sila nag-lalaban laban.
"Wag ka nang lumapit sa 'kin! Hindi kita kilala!" sinigawan niya ko habang patuloy pa din siya sa pag-takbo palayo sa 'kin. Ang sakit pala sa pakiramdam na pina-palayo ka ng taong mahal mo at sinasabing hindi ka niya kilala. Sobra ang sakit pero mas kaya ko 'to kaysa 'yung mawala siya sa 'kin, ayun ang hindi ko kaya.
"A-Alina please." pag-mamakaawa ko but she doesn't stop from running. "Maniwala ka naman sa 'kin please."
"Hindi.nga.kita.kilala! Stop following me!" sigaw niya habang tumatakbo pa din.
Hinahabol ko lang siya habang siya naman ay tumatakbo palayo sa 'kin. Hanggang sa biglang may sumulpot na babae at naka-hoodie ito na kulay black.
"Alina huminto ka." utos nito kay Alina kaya nang huminto si Alina, napahinto din ako.
BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mystery / Thriller(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...