***
Alina
Wala namang masyadong nangyari ngayong araw. Hindi ko pa din maintindihan kung ano ba yung tinutukoy ni Nathan sa riddle niya. Riddle ba yun? Psh!
Gabi na pero hindi pa din ako maka-tulog kaya tumayo ako at umalis muna para mag-pahangin manlang. Hanggang sa naka-punta ako sa garden. May nakita akong lalaking naka-tayo at naka-sandal sa puno at naka-itim na masquerade eye mask. Yung itim nun ay may halong color blue kaya alam kong hindi siya methuselah. Parang navy blue siya ganun. Naka-tayo siya at humihithit ng sigarilyo.
"It's late. Why are you here?" tanong niya sa 'kin na ikina-lakas ng tibok ng puso ko. His presence is disturbing.
"S-Sino ka?"
Tinapakan niya yung sigarilyo niya. "Alpha."
Alpha? Y-Yung naka-banggaan ko nung first day of school? Sino ba talaga siya? Parang hindi siya yung impostor eh.
"Hindi yan ang totoong pangalan mo, tama?" hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para itanong yun sa kanya ng diretso.
Tumingin siya sa 'kin kaya napalunok ako. Nag lakad siya palapit sa 'kin ng dahan dahan at tumatabingi pa ang ulo. At ako naman ay umaatras. Natigilan ako sa pag-atras nang wala na kong aatrasan dahil pader na ang nasa likod ko. Kaya nakorner niya ko. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.
"It's late. Why are you still here?" bulong niya na ikina-taas ng balahibo ko sa batok.
"E-Eh?!" lumunok ako. "Eh ikaw? It's late. Why are you still here?" napapikit ako ng mariin matapos kong sabihin yun. Seriously, Alina? UGH!
Natawa siya ng mahina. That laugh... is very familiar.
Sumandal siya sa pader. "Do you know me?" tanong niya na ikina-iling ko agad. "I am the Alpha, the leader of Black Blood Wolves." lumunok ako. Ano naman kayang grupo yun? "It's a gang." dagdag pa niya. Gang? Anong gang yun? "It's a gang of evils." aniya. Napa-lunok ako ng hard. Ano ang ibig niyang sabihin? "Aren't you afraid of me?"
"Should I?"
Natawa na naman siya ng mahina. "You're different."
"No I am not."
Tumingin siya sa 'kin ng diretso sa mga mata ko. "That's why he likes you?"
Likes me? "Who?"
"They say, when you love that person, you will remember even a few more years ago, even you're not aware, even he already changed, even he is wearing a mask." natawa ulit siya ng mahina. "Your favorite movie is frozen, right?"
"Pano mo n-nalaman?"
"Because you love Olaf."
***
Kinabukasan ay nagising ako sa... kwarto namin! Nasa dorm na ko? Paano? Di ba kausap ko lang si Alpha? Paano ako napunta dito?! Nang tignan ko ang orasan ay 12 am palang. Madaling-araw palang.
"Gising ka na pala. Tara na!" kaka-pasok lang ni Cheska dito sa kwarto namin.
"Paano ako n-napunta dito?"
"Ahh kagabi kase dinala ka dito ni Nathan. Nakita ka na lang daw niya sa garden, walang malay." pag-kwento niya. "Ano bang nangyari?"
Sasabihin ko ba? Mas mabuti kung wag na lang. "W-Wala naman." umiling ako. Tumayo na ko para maligo saka nag bihis na at nang matapos akong mag bihis ay lumabas na ko sa kwarto.
Nakita ko sa sala sila Nathan, Rash, at Sean na nanonood sa TV kaya tinignan ko kung ano ang pinapanood nila. "Frozen?" pabulong na tanong ko. Bakit Frozen? Bigla ko tuloy naalala yung kagabi. Nag-uusap lang kami ni Alpha about sa frozen. Nakaka-pagtaka. Bakit kaya alam niya na paborito ko yung frozen e hindi naman kami mag-kakilala.

BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mistério / Suspense(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...