Chapter 23 - Camping: Hiking

2 1 0
                                    

***

Wala naman kaming masyadong ginawa dito sa camp site pero at least medyo maingay pa din dahil bukod sa tawanan at kwentuhan ay may music din. Yes, technology is not allowed but we're students from Aithne High and we are unstoppable.

Nang pumatak na ang 2 pm ay nag-hahanda na sila Nathan dahil gagawin na nila ang activity nila na hindi naman masyadong mahirap. Kailangan lang niyang hanapin ang lost ancient map ng Aithne High, ayon ang activity ni Nathan ngayon. Habang si Neiko naman ay kailangan daw niyang hanapin ang isang hut at may nakatirang matanda 'don at kailangan niyang makuha sa matanda ang isang ancient paper. Hindi ko alam yung sa iba pa basta yun lang ang alam ko.

Nang mag 3 pm na ay nag handa na din ako para sa hiking. Ang last activity ko pala ay 9 pm. Nag-tataka nga ko kung bakit may 9 pm pa eh, dapat tulog nalang yun tsk. Ang 9 pm ang last activity ko at ayun na din yata ang pinaka-mahirap at pinaka-delikado. Kailangan ko daw kaseng umakyat sa isang napaka-taas na tore at sa tuktok 'non ay may isang enchantress, kailangan ko daw matuto sa kanya kung paano gawin ang Time Portal Potion. May isang salamin daw kase dun tapos kailangan mong inumin ang ginawa mong Time Portal Potion at babalik ka sa ibang taon at panahon. At kailangan mo daw mag-tali ng lubid sa 'yo dahil posibleng hindi ka na maka-balik sa panahon mo.

"Hinahanda mo na? Saan ka pala ngayon?" nagulat ako nang biglang mag salita si Constance sa tabi ko.

"Hiking." sinabit ko sa likod ko ang backpack ko. "Ikaw?"

"Swimming?" she laughed sarcastically. "Yung kay Valerie daw ay Dragon Hunting."

"Eh?!"

"Mas mahirap pala yung kay Val." napatingin kami sa nag salita, si Nisha. "Yung akin kase Phoenix Hunting. Kailangan ko daw bumunot ng isang balahibo ng Phoenix bilang patunay. like, pano ko naman hahanapin yun?"

"Eh kapag nag 9 pm na? Ano ang last activity niyo?"

Napabuntong hininga sila. "My last activity is to fight a Chimera." si Constance.

"What the hell! That is... ugh!"

"C-Constance." naiusal lang ni Nisha.

"Don't worry, I'm not scared of death." nginitian niya kami pero mapait yun. Hindi umabot sa tenga ang ngiti niya.

"Eh yung sa 'yo, Nisha? Ano ang last activity mo?"

"Well," bumuntong-hininga siya. "I need... Ang sabi 'don kailangan ko daw mahanap ang magic wand ng salamangkero." umiling iling siya. "That is not fair! We're training to be a keepers, not a seekers."

"Eh?! Baka sinama na lang din nila yun?"

"No, Alina. Seekers are different from Keepers. And we're doing the work of a training to be a Seekers."

"Eh?!"

Isinabit ni Nisha ang backpack sa likuran niya. "Mauna na ko. May kailangan pa kong hanapin." nginitian niya kami at nag nod saka umalis na siya.

"Ako din. Mauna na din ako." Umalis na din si Constance kaya sinabit ko na din ang backpack sa likod ko at umalis na. May kailangan pa kong akyatin.

Kinuha ko ang map ko sa bag. May map na binigay sa 'kin para mahanap ang hill na yun, buti nga meron eh.

Habang naglalakad ako papunta sa bundok na aakyatin ko ay may nakita akong ibon, injured siya kaya nilapitan ko siya at ginamot ang sugat sa pakpak niya. "Kawawang ibon." bulong ko habang ginagamot ang sugat niya. Pagtapos kong gamutin ang sugat niya ay ngumiti ako. "Ayan okay na." tumayo uli ako at nag-patuloy sa paglalakad.

"Ah!" agad akong napayuko nang biglang may lumipad na pana papunta sa direksyon ko. At kahit hindi ako mag tanong ay alam kong ako, ako ang target ng panang yun. At dahil nga napayuko ako ay sa puno tumusok ang pana. "Ah!" napailag ako nang biglang may dart na tatama sa 'kin. "Sino ang nandiyan?!" sigaw ko. "Show yourself, asshole!"

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon