***
~Nathan
"Malapit na tayo." sabi ni Cassandra habang naglalakad kami papunta sa isla kung saan magaganap ang digmaan sa pagitan naming mga Magnus at ng mga Methuselah.
"Nandoon na kaya ang mga Seekers at sila Headmaster?" nagtatakang tanong ni Cheska kaya napaisip din ako. Nandoon na nga ba sila?
"Posibleng nandoon na sila pero posible ding hindi sila pupunta, lalo na sila Headmaster." nabigla kami sa sinabi ni Cassandra. Ano ang sinasabi niyang hindi makaka punta?
"Ano?! Teka, pero kailangan natin sila." napahinto din si Cheska sa pag-lalakad.
"Oo pero hindi natin alam kung makaka punta sila o hindi. Tara na."
Nag patuloy na kami sa pag-lalakad papunta sa isla. Sana wala pa do'n ang mga Methuselah, hindi pa ko handang makita si Alina.
***
~Alina
"Aba tignan mo nga naman oh. Nauna pa tayo, wala pa sila." parang masaya pang sabi ni Sullivan nang marating namin ang isla.
Wala pa nga'ng nandito bukod samin. Wala pa ang mga Magnus. Paparating na kaya sila? Nasaan na kaya sila?
"Parating na ang mga Phantoms." napatingin ako sa mga paparating nang sabihin yun ng isa sa mga alagad ni Sullivan.
Sila ang mga Phantoms? Malayo kami sakanila. Ang ibig kong sabihin, malayo ang pagitan sa'min ng mga Phantoms. Mag kaharap ang tribo pero malayo sila samin.
"Tsk tsk tignan mo nga naman oh, hindi kaya ng mga Magnus na mag isa kaya naman nag hanap sila ng mga kakampi." umiling iling si Sullivan.
Nag-taka naman ako. Bakit kaya naka maskara ang mga Phantoms?
"Kasama din nila ang mga Dhriti. Wala pa ang mga Magnus." naka-tingin pa din ang isang Methuselah sa telescope na gamit niya para makita ang mga taong malayo samin.
"Pwedeng gamitin ng mga Phantoms ang sumpa sa kanila. Kapag tinanggal nila ang maskara nila, pwede tayong maging bato at maging abo." napabuntong hininga si Sullivan, nagulat naman ako sa sinabi niya.
Kapag tinanggal ng mga Phantoms ang maskara nila, magiging abo kami? Nakaka mangha.
"Ang mga Callan ay nandito na din." balita ng isa sa mga Methuselah. "Teka bakit masyado naman yata silang marami?"
"Nanduduga na sila pero mga Methuselah tayo, hindi tayo umaatras sa ganitong laban." matapang at may dignidad na sambit ni Sullivan. At katulad ng sinabi niya, hindi kami aatras sa laban.
"Bakit nandito na din ang iba pang mga tribo?" kumunot ang noo ni Sullivan. "Masyado na silang marami pero mananalo pa din tayo."
"Nakuha na din nila ang loob ng mga bampira, my lord. Masyado nang makaka ang pwersa nila." sabi ng isang Methuselah na ikina-taka ko.
Mga bampira? Ibig sabihin ba niyan hindi lang mga Senshis ang mga makaka laban namin? Makaka Laban din namin ang mga.... bampira?
"Sige lang mag tulong-tulungan sila, mga walang'ya!" halata ang pagka inis sa boses ni Sullivan, natatakot na siguro siya.
"My lord, hindi lang pala mga bampira ang kasama nila." nag bow ang isang Methuselah.
"Ano pa? Sabihin mo! Ano pa?!" sinigawan ni Sullivan ang tauhan niya.
"Pati po mga lobo, ang mga werewolves." nag tiim ang bagang ni Sullivan dahil sa sinabi ng isa sa mga tauhan niya.
Parang nag zoom in naman ang mata ko dahil malinaw ko silang natatanaw mula dito at napaka dami nga nila pwera samin. Mas Madami, mas malakas.
"Subukan lang nilang tawagin ang mga witches, katapusan na ng buhay nila." bulong ni Sullivan.
"My lord, wala po silang kasama na nabibilang din sa apat na elemento."
Apat na elemento? Ano 'yun?
Ngumisi si Sullivan na para bang napaka gandang balita ang narinig niya mula sa tauhan. "Mabuti naman."
"Nandito na po ang mga Magnus, my lord." nag bow ang isang tauhan at bumalik na sa pwesto niya, itinago na din niya ang telescope niya.
"Mag uumpisa na ang totoong laban." nag evil laugh si Sullivan.
Zinoom in ko ang mata ko at nakita ko ang mga Magnus pero isa lang ang naka agaw ng atensyon ko, at ayun ay ang isang lalaki. Sino ba siya? Naka trench coat siya na kulay black at may hawak siyang espada.
Nang tumingin siya sa'kin, parang bigla akong nakaramdam ng lungkot pero hindi ko naman maipaliwanag kung bakit, basta bigla nalang akong nalungkot.
Ano ba ang nangyayari sakin?
Bawal kang malungkot, Alina, kailangan mong lumaban.
Oo tama, kailangan kong lumaban. Lalabanan ko sila at sisiguraduhin kong walang matitira sa kanila at mananalo kami.
***
~Nathan
Parang binibiyak ang puso ko habang pinag-mamasdan ko si Alina. Hindi ko kailanman naisip na mangyayari samin ang ganito. Hindi ko siya sasaktan dahil hindi ko kayang gawin yun. Kahit sugatan niya pa ko ng hawak niyang sandata, hindi ko pa din siya sasaktan.
Napatingin ako kay Constance nang tapikin niya ang balikat ko. "Mag paka-tatag ka lang. Babalik din siya sa dati at alam kong hindi ka din niya magagawang saktan." nginitian niya ako ng tipid.
"S-sana nga," ang lungkot ng katotohanang puro sana nalang ako at wala akong magawa para maka-balik siya sa 'min.
"Babalik din siya sa 'yo , sa 'tin, tiwala lang." nginitian din ako ng tipid ni Neiko. Sa mga panahon ngayon, kailangan ko ng lakas kaso si Alina lang ang nag-bibigay sa 'kin nun, siguro nga maswerte na ko, kami, dahil may mga kaibigan kaming tulad nila.
"Tignan mo oh, nakatingin sa 'tin si Alina." nginitian ako ni Kaycee.
"Naririnig ko din siya, kinakausap niya si Sullivan." ani Cheska. "Gusto na niyang iurong ang laban," napangiti siya. "Pero ayaw ni Sullivan."
***
~Alina
"Pero kailangan na nating umurong, matatalo lang ho tayo dito, masyado silang marami at mas malakas ang pwersa nila." hindi ko alam kung bakit gusto ko nang umurong.
"Alina, isa kang Methuselah kaya dapat maging matatag ka, lalaban tayo at mananalo tayo. Naiintindihan mo ba ako, ha?"
Napabuntong hininga nalang ako at tumango. Wala naman akong magagawa kaya susundin ko na lang ang gusto niya, lalaban na lang ako.
Tinignan ko sila isa isa at parang nadudurog ang puso ko.
Parang... ayaw ko silang labanan sa hindi ko maintindihan na dahilan.
Parang ayoko silang... saktan.
"Mga Methuselah, mag handa!" sigaw ni Sullivan.
"Magnus, sugod!!" sigaw naman nila sa kabila.
And the real war... begins.
***

BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Misterio / Suspenso(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...