Chapter 10: First Case: Death

2 0 0
                                    

***

Gabi na at wala nang nag salita matapos nilang sabihin sa mga Knights na bumalik ang mga Methuselah. Lahat kami ay naka-upo lang at parang malalim ang iniisip. 9 pm na ng gabi at kanina pa kami ganito. Ganito ba talaga kalakas ang epekto samin ng methuselah? Nakaka-takot ba talaga sila? Magkakaron ba uli ng digmaan?

Natinag kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ms. Cassandra. Naka-tingin lang kami sa kanya. Binaba niya ang hood niya na natatakpan ang ulo niya. "Bakit? Anong nangyari? Bakit hindi kayo nagsasalita?"

"Miss Cassandra." naiusal lang ni Cheska.

"Pwede niyo kong tawaging Tita Cassandra." ngumiti siya samin. "Anong nangyari?"

"Methuselah." ang tanging lumabas sa bibig ni Cyfrin.

"Anong mga methuselah?" lumapit siya samin. "Sabihin niyo!"

"Panthers." naagaw ni Nisha ang atensyon naming lahat nang sabihin niya yun. "Danger." naka-pikit siya. "Panthers. Danger!" bigla siyang sumigaw saka siya dumilat at nang dumilat siya ay hinahabol na niya ang hininga niya. She's gasping for air.

"Nisha Swift anong nangyayari? Anong nakita mo?" si Cassandra.

And yes, Nisha can see what is happening right now. Kaya niyang makita ang nangyayari ngayon sa ibang tao dahil bigla nalang mag-aappear yun sa utak niya.

"Panthers. Ang mga Panthers!" umiyak siya. "Tulungan niyo sila! Tulungan natin sila!" patuloy pa din siya sa pag-hagulgol.

May kakilala ba siya sa mga Panthers? Sino?

"Tulungan niyo ang kambal ko." pagka-sabing pagka-sabi niya nun ay nawalan siya ng malay.

Kambal? Sino ang kambal niya?

"Dito lang kayo!" si Ms. Cassandra. "Dito lang kayo. Ako na ang bahal--"

"Tutulong ako." tumayo ako. "Please let me help."

"Alina, delikado." si Cheska.

"Alina-eonnie delikado 'don." si Kaycee.

"Tutulong din ako." napatingin kami kay Nate nang mag salita siya. "Ako nalang ang tutulong."

"Sasama ako."

"Hindi." pigil sa 'kin ni Nathan. "Hindi ka sasama. Dito ka lang."

"Ano ba! Gusto kong sumama!"

"Stay here, this is an order from Titan's leader and you can't do anything about it." ma-awtoridad na utos niya. "Stay here." kinuha niya ang black hooded cloak cape niya at sinuot 'yon. "Neiko." aniya na parang may inuutos kaya tumango sa kanya si Neiko. Saka siya umalis kasama si Cassandra.

"Wala na ba kong maitutulong sa inyo?" napatingin silang lahat sa 'kin nang mag salita ako. "Bakit ba pinagii-stay niya ko dito, ha?! Siya ang mapapahamak! Sasama ako! Susundan ko sila Na--"

"Dito ka na lang." si Neiko. "It is an order from SSG President and your leader and you can't do anything about it. Sumunod ka nala--"

"Lagi nalang ako ang mahina dito eh. Susundan ko sila." hinanap ko yung blue hooded cloak cape ko at sinuot yun. Nang akmang aalis na ko ay hinawakan ni Neiko ang braso ko.

"Kami ang mapapa-galitan ni Nathan kaya dumito ka na lang." aniya.

Binawi ko sa kanya ang braso kong hawak niya. "Kung ayaw niyo tumulong, pwes ako gusto ko." at tumakbo palabas ng secret hideout. Buti nalang ay suot ko ang relo ko. Pinindot ko ang relo ko at biglang nag appear ang hologram ng systems and apps dito at pinindot ko ang trace at tinype ko 'don ang buong pangalan ni Nathan. Bigla namang may nag appear na arrow 'don.

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon