***
Nandito na kami ngayon at naka-sakay sa labas ng ambulansya. May mga dumating kaseng ambulance at mga pulis dito pero kami ang mag-iimbestiga. May pinakita si Sir Haruto sa mga pulis para hindi na sila pakialaman sa pag-iimbestiga. Hanggang ngayon ay tulala pa din ang mga Phoenix, hindi nila alam ang gagawin nila lalo na nang may nakita kaming mensahe sa dibdib ng babae.
Matigas talaga kayo mga bata. Sumunod pa talaga kayo dito. Hayaan niyo may premyo kayo sa larong ito.
Ayan ang naka-sulat sa papel na ang mga Phoenix ang tinutukoy 'don sa sulat. Oo mga bata lang kami pero mas magaling kami dahil sa mga abilidad na meron kami. "Hindi na namin alam ang gagawin namin." napatingin ako kay Safira nang bigla siyang mag salita. Ako ba ang kausap niya? "We no longer fulfilled the Phoenix motto out of fear. yes we are scared." Pinunasan niya ang luha na tumutulo sa pisngi niya. "Maybe this is our karma." Ngumiti siya ng sarkastiko. "We shouldn't be afraid. We should be there, fighting."
"Hindi ako naniniwala sa karma." sabi ko habang naka-tingin sa kawalan. "Kase kung may karma, dapat matagal nang wala ang mga methuselah." natawa ako ng mahina pero sarkasmo ang bumabalot doon.
"Paano kung..." si Safira. "Dumating ang araw na malaman mo na ikaw ang totoong Eliora? Ang anak ni Sullivan?"
Natawa ako. "Hindi mangyayari yun. Patay na ang tatay ko. Sabi ng nanay ko ay namatay daw ang tatay ko dahil sa car accident." kinuha ko ang tubig sa likod ko. "Gusto mo?" alok ko sa kanya.
"No, thanks. Parang wala na kong lakas pati lunukin ang tubig na yan."
"Okay--"
"Guys let's go!" dumating bigla ang mga boys.
"We already found him!" si Nathan.
Napatayo kami. "Ano? Saan?"
"Let's go!" tinanguan nila kami at sumenyas na sundan sila na ginawa naman namin agad.
Pumasok kami sa isang masukal na gubat. Maaga pa naman kaya hindi pa kami natatakot at dapat ay masanay na daw kami sa mga gubat. At isa pa, sa gitna kaya ng gubat naka-tayo ang paaralan namin.
"Oh nasan na?" huminto si Cheska kaya huminto din kaming lahat.
"Are you kidding us?" namewang si Safira.
"Nasan?" nililibot ni Constance ang paningin niya.
"Ayon!" tinuro ko ang isang lalaking nagtatago sa malaking puno at nanonood sa 'min. "Damn! Tara!" tumakbo ako at hinabol yung lalaki, sumunod naman sa 'kin ang mga kasama ko.
Tumakbo kami nang tumakbo hanggang sa makita na namin siya pero kailangan naming sumakay sa swing na gawa sa lubid at wala manlang upuan. Lubid lang. At sa kabilang banda ay nandon yung Tim at naka-tayo at naka-ngisi.
"Kailangan nating gamitin 'tong lubid." halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Neiko. No way!
"No way! Hindi ako lalambitin jan." tanggi ko.
Napabuntong hininga yung mga lalaki. "Aalalayan ka naman namin eh." pangungumbinsi ni Neiko. "Aalalayan namin kayo."
"Sakay na." hinawakan ako ni Nathan at kinapit 'don sa lubid. "Just hold tight."
Huminga ako ng malalim. "Are you ready?" dagdag pa ni Nathan. Tumango ako kaya tinulak niya na yung lubid. Nang matungtong ko ang paa ko sa kabilang banda ay nasa harap ko na yung lalaki. Madali lang pala.
Humalakhak yung lalaki. "Bakit ako matatakot sa inyo e mga bata lang kayo?" may nilabas siya sa bulsa niya, isang balisong. Tinutok niya yun sa 'kin kaya no choice ako kundi kunin ang pocket knife ko kaya kinuha ko yun mula sa bulsa ko. "Ang ganda ng knife mo ah? Luxury knife."
BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mystery / Thriller(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...