***
Ngumisi si Neiko. "Oo. Bakit? Ayaw niyo ba?" umiling-iling pa siya. "Sa lahat ng families, Phoenix ang pinaka-kinatatakutan. Pero hindi niyo kami nakaka-sama sa isang dorm kaya hindi niyo alam ang mga ginagawa namin 'don. Ang hirap lang sainyo, agad agad kayong nagja-judge. Pinanindigan naming lahat na kami ang kinatatakutan. Pero hindi kinamumuhian." ngumiwi siya.
"Hindi naman kami natatakot." si Rash. "Nagulat lang kami dahil hindi pa naman nag-sasama sama ang dalawang families sa isang subject."
Patuloy pa din kami sa paglalakad hanggang sa may tumabi sa 'kin na babae, si Constance. "I'm Constance. And you are??"
"Alina. I'm Alina."
"Hmmm Alina. May gusto ba sa 'yo si Sean?"
"Ano?! Wala ah."
"Eh... si Nathan?"
"Wala din ah!"
"Hmmm." tumango siya pero umiling-iling pa siya.
"Parang isa sa kanila eh. Hindi ko maipaliwanag. Ngayon ko lang 'to naramdaman and worst, sa isang Titan pa." mahina siyang natawa.
"Oh hindi lang pala tayo-tayo ang magkaka-sama." parehas kaming napalingon ni Constance kay Neiko nang sabihin niya yun. "Nandito na din ang mga iba pang families."
Hala oo nga! Dala-dala pa nila ang sari-sarili nilang mga armas. Nakaka-takot!
"This is too much!" si Cheska. "Nathan payagan mo na kaming may blue eyes! Bakit sila?! Ang mga Vikings ay maroon ang kulay ng mata, ang mga Ravens ay purple ang kulay ng mga mata nila, ang mga Panthers ay green, at gray naman ang mata ng mga Hunters!"
"Cheska alam mo kung ano ang abilities natin, hindi tayo pwede basta-basta maglalabas ng kulay asul na mata." si Nathan.
"Sila din naman ah!"
"Please gather here students." tawag sa 'min ni Miss Machiko. Lumapit kaming lahat sa kanya. Nandito kami ngayon sa field. "Nathan, wag kang matakot sa kakayanan ng mga Titans mo. Kaya na nila yan so Titans, I'm allowing you to change your eye color into your original eye color."
"Pano?" bulong ko kay Cheska.
"Just concentrate and focus. You can do it."
Pumikit ako at nag focus. At pag dilat ko ay blue na din ang mata ko. Ang ganda! Yung mata. Namangha ako dahil pare-parehas pa kaming lahat maliban sa ibang familes.
"Kaya tayo nandito ngayon ay tuturuan ko kayo ng scrimmage." si Miss Machiko. "Dapat next week pa 'to or sa Saturday na magsa-sama-sama kayo pero baka kase may new cases kayo that days kaya ngayon nalang." dagdag niya pa. "Titans, get your weapons."
Lumapit ako kay miss. "Miss Machiko. May hankyu bow po ba?"
"Hankyu bows? Ayun ang gusto mo?" napangiti siya.
"Opo eh. Parang 'don ako mas sanay."
"Of course meron." iginiya niya ko sa may mga hankyu bows. "Here." tinuro niya yun kaya kumuha ako ng isa at pumwesto sa mga kasamahan ko, ang mga Titans.
"Oh ming bow ang sa 'yo." si Cheska. "Sword ang sa 'kin."
Dual wield swords ang kay Rash at claymore sword naman ang kay Sean at blade sword naman kay Nathan, basket-hilded sword naman ang kay Cheska at small blade naman ang kay Kaycee.
"Makinig!" biglang sigaw ni Miss Machiko para mahatak ang atensyon naming lahat. And yes, kailangan niyang sumigaw dahil hindi siya maririnig. "Eto ang mag-lalaban-laban. Neiko vs Nathan, Ajax vs Remi, Cheska vs Constance, Kaycee vs Hanna..." madami pa siyang sinabi bukod sa 'kin, hindi niya ko binanggit. "Ite-train ko pa si Miss Alina Collins so hindi muna siya makakapag-laban." dagdag niya. Ah kaya pala!
BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mystery / Thriller(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...