Chapter 2 - Voice Inside

7 2 0
                                    

***

"Tara na Alina." bumalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni tita. Hindi ko napansing huminto pala ako sa paglalakad dahil sa "mysterious-man-with-red-mask" na 'yon! Sino kaya siya at bakit narinig kong sinabi nila mommy kanina ang "Red Blood Shadows" na 'yon?

"San ba tayo pupunta tita? Nalagpasan na kase natin yung National Bookstore."

"Hindi tayo pupunta sa National. Wala kang pag-bibilhan dun nung mga kailangan mo." natawa siya nang bahagya at mahina. "Sa AR-Aithne tayo."

"AR-Aithne? Wala pa kong naririnig na ganun dito, tita." kumunot ang noo ko. "'Tsaka pano mo nalaman?"

"N-Nakita ko sa ano... sa slip mo."

"Ahh." tumango nalang ako.

Lumapit kami ni tita 'don sa School Studies at hinarang kami ng malaking lalaki. Parang may ginawa si tita kaya kami pina-pasok nung lalaki. Pumasok na kami sa loob at kahit gusto kong mag tanong ay hindi ko nalang ginawa. Namangha ako nang makitang nag sulat yung babae sa notepad at nag pop bigla ang iba pang mga sheets. Cool and... amazing!

'Yes it is.'

Nag-palinga-linga ako sa paligid nang marinig ko na naman ang tinig na iyon sa ulo ko. Damn! Sino ba kase 'yon?!

"Hey ayos ka lang?" si tita kaya agad akong tumango at pinunasan ko ang pawis sa noo ko. Damn it! I'm sweating!

"Mmm." ngumiti ako kahit pilit lang iyon.

Nag sukat din ako ng school uniform. Ang cute nga ng uniform nila eh. Sa mga girls ay blouse na white pero natatakpan iyon ng long sleeves blue coat na may butones din sa may gitna at may ribbon din na color red na may stripes pa at mini skirt na may stripe pa sa ibaba nun and high socks. Sa mga boys naman ay long sleeves polo white and long sleeves blue coat at black pants and red with white stripes necktie.

"Ayan! Bagay sa 'yo!" si tita. Pagka-tapos ko isukat yun ay hinubad ko din tsaka namin binayaran. 3k nga lahat eh kaya sakto lang yung pera namin.

'It looks goon on you.'

Ayan na namn! Dammit! Wala ba siyang balak mag-pakilala?

'Magiging rude nga naman kung hindi ako mag-papakilala, 'no? Call me Blaze.'

Blaze? Wala naman akong kilalang ganun ah? Sino ka ba talaga?! Bakit mo ko kilala?!

'You don't know me... yet.'

Yet? Ibig sabihin ay makikilala ko palang siya? Kaylan? Saan? Paano?

'Bukas. Sa Aithne High. Dahil isa ka ding magnus, tulad ko.'

Magnus? Ano 'yon? Pinag-lololoko mo ba ko?!

'Kailangan ko nang umalis. See you tomorrow, darling.'

Darling? Damn!

Napansin ko nalang na wala na si tita kaya nilibot ko ang paningin ko at nakita ko siya na naka-upo sa bench habang kumakain ng ice cream kaya tinabihan ko siya. Binilhan din pala niya ko kaya kinuha ko 'yon.

"Excited ka na ba bukas?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya.

Napabuntong hininga ako. "Excited? Oo. Pero natatakot din at the same time."

"Masasanay ka din. Kung dito ay wala kang mga kaibigan, 'don naman magkakaron ka, marami pa, just watch and see."

"Sana nga. Tsaka may kaibigan naman ako dito ah?"

"Talaga? Sino?"

Sino nga ba? Wala pala. Hays! Sad life ako. "W-Wala pala."

"Tamo wala 'di ba? Mag-eenjoy ka 'don."

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon