***
Alina
We landed safely in Aithne High. Nag-sabay pa kami ng van na dumating sa Aithne High. Akala ko mauuna kami ni Luna eh. Bumaba na ko sa kabayong sinasakyan ko, si Luna, at pumasok na sa loob ng Aithne kasama sila Valerie. Ang mga sugat na tinamo namin ay hindi pa din nawawala.
"Alina pumunta ka daw mamaya sa Aishima Building." Hindi ko manlang natapunan ng tingin si Valerie dahil nafocus ang tingin ko kay Safira.
"Bitch," mariing bulong ko.
"Alina, sa Aishima buildi--"
"Yes! I heard." pigil ko sa sinasabi niya.
Nilapitan kami ni Safira. "Bumalik na pala--" Hindi ko na tinapos ang sinasabi niya dahil lumayo na ko sa lugar na yun dahil baka kung ano pang magawa ko sa babaeng yun. Ramdam ko naman ang pag-sunod sa 'kin ni Luna.
Dumiretso ako sa dorm namin dahil mamaya pa din gagawin ang announcement para sa mga bagong Keepers, iniwan ko muna si Luna sa labas. Nang pumasok ako sa loob ay mukhang nagkaka-sayahan sila pero nilapitan pa din nila ko.
"Buhay ka!" niyakap ako ni Cheska. "Nag-alala kami--"
Natigilan siya nang kumalas ako sa pagkaka-yakap niya. "I'm tired." at nag lakad na ko papunta sa kwarto namin nila Cheska.
"Alina-eonni may pagkain!" dinig ko pang sabi ni Kaycee pero hindi ko na siya napansin.
I'm not tired because I fought. I'm tired because I'm mad. Makalipas ang isang oras ay lumabas ako para tignan ang lagay ni Luna. Nakita ko siya sa garden kaya lumapit ako sa kanya.
"Wag kang mag-alala, mamaya ay may bahay ka na." nginitian ko siya.
"Neigh!"
Nang pumatak ang 3 pm ng hapon ay nag-ayos na ko at lumabas sa kwarto. Nakita ko naman silang lima na naka-upo sa sofa. Lalapitan na sana ako ni Nathan pero lumabas na ko ng dorm namin. Hindi ba nila alam na announcement na? Ramdam ko naman ang mga yapak sa likod ko kaya alam kong naka-sunod na sila sa 'kin.
"Alina." nilapitan ako ni Myles. "Ayos ka lang?" sinuri niya ang kabuuan ko.
"Oo naman. Nandito ka pala?"
"Ah oo. Bumalik na k--" Natigilan siya nang bigla siyang suntukin ni Nathan kaya pinigilan ko sila kaagad.
"Ano ba!" tinulak ko si Nathan palayo kay Myles. "Bakit mo siya sinuntok?!"
"What?! Are you on that man's side?" tinuro ni Nathan si Myles.
Gusto kong humalakhak pero hindi ko magawa. "Oo!"
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Pinag-pali--" hindi niya natuloy ang sinasabi niya nang dumapo ang palad ko sa pisngi niya, I slapped him.
"Yes! And you know why?! Because he's the one who's there by my side, the one who cares about me. And you? Kissing another girl while your girlfriend is away?"
Bakas sa mukha niya na naguguluhan siya pero nagawa niya pang tumawa ng mahina but sarcastic. "K-Kissing?" umiling siya nang umiling. "That is not true! I will never ever do that!"
Hinagis ko sa kanya yung brown envelope. "Hindi pala?" at pumasok na sa Kodo building.
"Hey ayos ka lang?" ramdam kong hinawakan ni Myles ang balikat ko. Tango na lang ang naisagot ko sa kanya. "Uupo lang ako do'n ah?" aniya pero tumango lang ako sa kanya at umupo na sa upuan naming mga Titans. Tumabi naman sa 'kin si Cheska at Kaycee.
Nag hintay pa kami ng limang minuto bago umakyat sa stage sina Headmaster at Headmistress na parehong naka-ngiti. "Students..." panimula ni Headmaster. "Pina-punta ko kayong lahat dito dahil sa special announcement namin ni Headmistress."

BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Misteri / Thriller(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...