***
ALINA
"So anong ginagawa niyo dito?" binaba ko na ang pana ko nang makitang sila nga ang mga parating.
Bumaba naman sila sa kani-kanilang kabayo nila. "Hinanap ka namin. Tara na dahil hahanapin pa natin ang Headmaster, right?"
"Ah oo nga pala. Sige tara na." kinuha ko na si Luna at sumakay ako sa likod niya. "Are your horses can fly?"
Nagka-tinginan silang pito. Alam ko na ang mga tingin nila na ganyan, isa lang ang sagot sa tanong ko, hindi. Their horses can't fly. Pero bakit kaya si Luna ay nakaka-lipad?
"Tara na lang." pina-takbo na nila ang mga kabayo nila pero syempre gusto kong maging patas, mababaw lang ang lipad ni Luna kaya naka-sabay pa din kami sa kanila. Ayaw kase ni Luna na maka-sabay sila Dark at Red eh, hindi ko naman alam kung bakit.
"So may ideas na ba kayo kung sino ang posibleng nag adult-nap kay Headmaster?" natawa ako ng mahina dahil sa tanong ni Lynx. Ano daw? Adul--bwahahaha!
"Anong adult-nap?" nagtatakang tanong ni Valerie.
"Yung--'di ba kapag bata ay kidnap eh di kapag matanda, adult-nap."
Puro kalokohan talaga si Lynx pero hindi ko din naman maitatagong may point siya. Hindi na nga naman bata si Headmaster kaya adult-nap na ang tawag do'n. Napailing na lang ako.
Nang makarating kami sa Aithne High ay inayos na namin ang lahat ng kakailanganin namin para sa pagha-hanap kay Headmaster at nagkita-kita kami sa hallway ng mga kasamahan ko.
Habang naglalakad kami sa hallway ay pinag-titinginan na naman kami. Ano ba talagang problema nila?! Nakaka-inis na ah? Kung maka-tingin sila ay wagas e kami na nga ang maghahanap sa Headmaster, eh sila? Tumutunganga lang naman sila pero kung maka-tingin sila ay wagas. Kung nakakamatay lang ang mga tingin ay siguradong pinag-lalamayan na kaming walo ngayon.
"What's their problem?" mahinang tanong ni Valerie. Pati siya ay naiirita na din.
"Ayaw niyo yun? We're famous." napailing na lang kami dahil sa sinabi ni Lynx. Siguradong hindi siya mabubuhay kapag hindi siya nakapag-loko, hindi kumpleto ang araw niya kapag ganun.
Bigla namang sumagi sa isip ko si Bridget kaya napangiti ako, ang cute cute niya talaga. Kapag ba nagka-anak ako e magiging cute din? Nakaka-pagtaka.
"Panigurado 'yon, yeochin." biglang hinawakan ni Nathan ang kamay ko at sinakay ako sa loob ng automobile namin. Yeah, he read my mind.
***
Nang makarating na kami sa gubat ay pinindot ni Nathan ang remote na maliit at nawala bigla ang automobile namin at pumasok na kami sa loob ng gubat. May salamangkero kase dito na naka-tira kaya baka matulungan niya kami.
"Saan naman kaya nakatira yung salamangkero na yun?" tanong ni Valerie.
"Oo nga 'no? Saan naman kaya siya naka--"
"Nakatira siya sa isang hut." nag salita si Nathan kaya naputol ang sinasabi ni Lynx.
Sa hut? Talaga bang kapag salamangkero ka o magkukulam ay kailangan sa hut ka naka-tira? Hindi ba pwedeng gumawa ka na lang ng sarili mong mansion tutal mangkukulam o salamangkero ka naman. Wow, Alina, ang talino mo talaga!
"Malayo pa ba?" naiinip nang tanong ni Valerie. Hindi lang siya ang naiinip, siguro lahat kami.
"Malapit na." ayan na naman ang linya ni Nathan na malapit na, kanina pa niya sinasabi yan pero hanggang ngayon ay naglalakad pa din kami.
Hinawi namin ang sanga at nakakita kami ng isang maliit na kubo. Eto na ba yung bahay nung matanda? Siguro nga. Tumango muna kami at kumatok sa pinto. Hindi naman nag tagal ay bumukas na ito at bumungad sa 'min ang isang matandang lalaki.
BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mystery / Thriller(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...