Here's the chapter 50!
This is the last chapter hihi.
Enjoy reading!
***
~Alina
"No!!! No please!!!" Nang mawalan siya ng hininga, saka palang bumalik ang sarili ko sa normal. "Namchin comeback! Comeback to me, please?" humagulgol ako.
"Wala ka nang magagawa. Patay na siya! You killed him." humalakhak si Sullivan. "The victory is ours!!"
Umiling ako. "Wake up Namchin please, wake up, for me? I'm sorry I'm so so sorry." umiling ako nang umiling. "I love you, too. I love you." parang nahihirapan na ko sa pag-hinga. "Can you please comeback to me and I'll do everything. I'll do everything for you."
Bigla namang nag appear sila Headmaster at ang iba pang mga head Officers, hindi ko maiwasang mainis sa kanila at magalit kaya tumayo ako at tinutok sa kanila ang sandata ko. "Mga hayop kayo! Mga demonyo kayo! Bakit ngayon lang kayo, ha?!!! Hinintay niyo pa talagang mamatay si Nathan bago kayo dumating!!!" parang kandila akong naupos sa sahig. "Mga wala kayong kwenta,"
"Anak!" hinawakan ni Nicholas ang katawan ni Nathan. "Anak, Nathan. Anak ko."
"Anak?" humalakhak ako. "Anak pero nasaan kayo! Nung kailangan niya kayo, nasaan kayo! Dapat nung wala ako sa sarili, pinatay niyo na ko!!"
"Alina don't say that." lumapit sa 'kin si Mommy.
"Ikaw! Napaka-sinungaling mo! Dapat pinatay mo nalang ako kanina para hindi ko na napatay si Nathan!" umiling iling ako. "Ako ang demonyo. Ang sama ko."
"Hindi totoo yan," umiling si mommy.
"Totoo yo'n! Bakit tumulala lang kayo kanina, ha?! Bakit!!!" nahihirapan na kong huminga. "Wala kayong kwenta!"
Nilapitan ako ni Cassandra at hinawakan niya ang leeg ko at nawalan ako ng malay.
-------
"Where am I? Nasaan ako?" nililibot ko ang paningin ko sa isang puro liwanag na lugar. Wala akong nakikita kundi puro liwanag lang at wala nang iba pa.
"Alina." may tumawag sa pangalan ko kaya agad kong nilingon yun pero wala namang tao.
"Alina gumising ka." ibang boses naman.
"Alina gising." yung boses ng tumawag sakin kanina. Mga boses babae.
"Sino kayo?" sigaw ko.
"Tumingin ka sa likod mo." utos ng isa kaya lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang dalawang magandang babae na naka-tayo at naka-white dress.
"Ako si Samara."
"Ako naman si Sabrina."
"Patay na ba ko?" parang natuwa pa ko. "I-ibig sabihin-si Nathan? Nasaan siya?"
Nginitian nila 'kong dalawa. "Hindi ka pa patay."
Lumapit ako sa kanila at pinindot ang mukha nila. "Hindi ko naman kayo kamukha." ngumuso ako. "Bakit sinasabi nila kamukha ko kayo? Ang layo."
Natawa silang dalawa ng mahina.
"Kailangan mo nang gumising." sabi ni Samara.
"Bakit? Tulog ba 'ko? Teka nasaan ba ko ngayon? Kasama niyo na ba diyan si Nathan? Kamusta siya?"
"Gusto mo pang tapusin ang sumpa sa mga Phantoms, hindi ba?" nginitian ako ni Sabrina, tinanguan ko naman siya. "Bumalik ka. Gumising ka."
"Pero-"

BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Misterio / Suspenso(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...