***
"Wow." hindi ko maiwasang itago ang pagka-mangha ko. Ni hindi ko nga napansin na wala na si mommy dahil naka-alis na siya. Black with golden gate ang gate ng Aithne High at sa tuktok na gitna ay may naka-lagay na "Aithne High" .Pumila ako katulad ng iba pang mga new students. Madami kami. Siguro mga nasa 40+ kaming new students dito ngayon.
"Welcome to Aithne High, students!" bati sa 'min ng isang naka-tuxedong lalaki. "Ibigay niyo lang sa 'kin ang slips niyo."
Zinoom in ko ang mata ko at namangha ako sa nakita ko. Ang mga slips ay ini-slide nila sa isang machine na naka-dikit sa golden and black gate ng Aithne High. At kapag naka-labas na ang slip ay ID na yun. Just... wow!
"Gusto ko sa Titans Family." napatingin ako sa isang student nang sabihin niya yun. "Hindi sa ibang family, sa Titans lang."
"Bakit?" tanong ng isa pang student.
"Kase gusto ko lang. Wag ka nang mag tanong."
"Hindi bagay sa 'yo ang Titans."
"What! How dare you to say that!"
"Maldita ka kase eh." umiwas yung lalaking student 'don sa babae pagka-sabi niya 'non.
Mahina naman akong natawa. Ano ba yung mga pinag-sasasabi nilang family? Para saan 'yon? Napaka-inosente ko naman sa lugar na 'to! Ugh! Nang slip ko na ang ibibigay ay pinag-masdan ako nung naka-tuxedong lalaki.
"Samara..." aniya kaya naguluhan ako.
"Ah eh hindi po Samara yung pangalan ko."
"Ah sorry!" napapikit siya nang mariin at umiling iling. Kinuha niya ang slip ko at ini-slide yun sa machine at nang maging ID na ay binigay niya sa 'kin. "Sundan mo lang yung babaeng 'yon." tinuro niya yung babaeng nasa harapan ko kanina. Tumango ako at hinatak na ang maleta ko. Sinundan ko yung babae.
Sino naman kaya yung Samara na yun? Wala naman akong kilalang Samara ang pangalan eh. Bakit niya ko tinawag na Samara? Parang tumaas yung balahibo ko 'don ah? Aish! Napa-praning lang ba ko? Hindi dapat ako matakot dito, 'di ba?!
'Oo hindi ka dapat matakot.'
Ayan na naman siya! Hindi ko naman siya kilala pero salita nang salita. UGH! I hate my mind! Nang mawala na ang boses sa ulo ko ay hindi ko nalang pinansin pa.
"Mag uniform muna kayo. 'Don yung restroom." tinuro nung babaeng parang cashier yung CR.
Nag bihis muna ako ng uniform dahil ang sabi nila sa requirements ay bawal daw muna mag bihis ng uniform dahil baka may maka-alam ng existence ng school namin kaya hindi muna kami nag uniform. Pero ang cute talaga ng uniform nila!
"Ayan na ang mga Black Blood Wolves." bulungan ng mga students sa labas ng CR kaya nang matapos akong mag bihis ay lumabas na ko kaso....
"Ah!" may nabangga ako at natumba kami parehas. Nang mag mulat ako ay nasa ibabaw pala ako kaya agad akong tumayo habang hawak pa din ang noo ko.
"Next time look where you are going." sabi nung lalaking nabangga ko, he is wearing a black shiny masquerade eye mask. Hindi siya yung lalaking kausap nung Blaze kagabi at nararamdaman ko yun. Sinenyasan niya yung mga kasama niya at sabay sabay silang umalis.
"Oh my god! He is the Black Blood Wolves leader, right? The black shiny one? OMG!" anang isang babae.
Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa ID room. Hindi na ko naka-sunod sa babae dahil nga nabangga ko daw yung "Black Blood Wolves leader" chuchu na 'yon! Akala naman kung sino! Look where I am going daw? Tsk! Siya 'tong hindi tumitingin sa dinaraanan niya eh! Malamang! Naka maskara kase! Ang daming pauso!
BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mistério / Suspense(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...