Chapter 7: New Friends

5 0 0
                                    

***

Pinatulog ako ni Nathan at sinabi niyang hanggang 12 am tatalab yung gamot kaya magigising ako ng 12 am. Lumipas ang ilang oras at 12 am na. Nagising ako at bumaba. Ang tahimik ng paligid at ang lakas ng ihip ng hangin, naka-aircon pa kami. Wala nang ginagawa ang mga students at sila sir Haruto ay umalis para daw mag kalap ng mga impormasyon pero hanggang ngayon ay hindi pa din sila nakaka-balik. Kampante naman kami dahil kung tutuusin ay mas malakas pa sila kaysa samin. Nagitla kaming lahat nang may pumasok na babaeng naka-purple hood na mahaba kaya napa-tayo kaming lahat at tinutok sa kanya ang aming mga armas.

Tumaas ang dalawang kamay nung babae, sumusuko. "Hindi ako kalaban. Nandito ako para tulungan kayo."

"Sino ka?! Magpa-kilala ka!" matapang na utos ni Neiko sa babae.

"Ako si Cassandra. Ako ang kambal ni Samara, ang babaeng namatay noong 15 years ago sa Aithne High, ang kaisa-isang babae noon sa Titans." pagpapa-kilala niya.

"Kulay lila ang mata niya!" si Cyfrin. "Isa siyang Ravens noon."

"Tama ka. Sa Ravens ako noon." si Cassandra. "Nandito ako para tulungan kayo. Hindi ako kalaban." dagdag niya pa. Napako sakin lahat ang atensyon nila nang mag lakad palapit sakin si Cassandra. "Ate."

"Eh?!"

Nagulat kami nang bigla siyang humagulgol at niyakap ako. "Ate patawarin mo ko dahil hindi kita nailigtas. Magbabayad sila pangako. Magbabayad ang mga Methuselah."

"Uhh." marahan ko siyang nilayo sa 'kin. "Sorry po pero hindi po ako ang tinatawag mong ate."

Pinunasan niya ang luha niya. "P-pasensya na. Kamukhang kamukha mo kase siya."

"P-Po?" nanglaki ang mata ko at namilog ang bibig ko.

"Kamukhang kamukha mo kase si ate Samara. Pati kutis at buhok, para kayong pinag-biyak na bunga. Siguro nagtataka ka kung hindi kami magka-mukha. Pero hindi talaga kami magka-mukha." muli siyang umiyak. "P-Parang mas kambal pa kayo kaysa samin." mahina siyang natawa pero ang luha ay patuloy na umaagos sa pisngi niya.

"Pwede mo po bang i-kwento samin ang pagka-matay ni Samara? Wala kaseng nakakapag-sabi samin." si Cheska.

"P-Pwede naman."

Pina-upo niya kaming lahat sa sahig at umupo siya sa sofa. "15 years ago, there's a war between the magnus and methuselah. The other tribes; Dhriti, Quillon, Gunnar, Callan, and Phantom." huminga siya ng malalim. "Tinulungan ng Dhriti, Quillon, Gunnar, at callan ang magnus. Sanib pwers naman ang mga methuselah at phantom. Hindi ginusto ng mga phantom ang umanib sa mga methuselah pero tinakot sila ng mga methuselah na susunugin nila ang tribo ng mga phantoms kaya napilitan sila. Hindi pinayagan ang mga studyante ng Aithne High ang sumama sa laban pero..." humikbi siya. "Hindi natinag 'don si ate Samara. Ang sabi niya tutulong siya sa abot ng makakaya niya. May nobyo nun si ate Samara, si Nicolas. Niligtas ni ate Samara si Nicolas kaya si ate ang namatay. Pero hindi pa dun nagtatapos ang lahat dahil nung namatay si ate Samara ay nag-desisyon kaming mga kaibigan niya. 10 kaming lahat na magkakaibigan. Ako, si ate Samara, si Nicolas, si Suzie, si Sierra, si Serena, si Theodore, si Valentina, si Michael, at si Allisareighn. Honestly? 11 kaming magkakaibigan pero nag taksil si Sullivan, ang leader or god na ngayon ng methuselah." nag tangis ang bagang niya. "Nang lusubin naming sampu ang tribo ng mga methuselah ay namatay si Suzie. Kaya mas lalo kaming naging mabangis kaya halos isang daan ang napatay namin sa methuselah pero hindi namin natalo si Sullivan dahil nang papaslangin na siya ni Nicolas ay biglang dinugo si Allisareighn, buntis na kase siya nun kaya mas pinili naming tulungan siya kahit ayaw niya dahil tatay daw ng bata ay si Sullivan. May gusto si Michael kay Allisareighn pero mas mahal ni Allisareighn si Sullivan kahit demonyo pa ito kaya nagka-anak sila. Niligtas ni Atticus sila Allisareighn at yung bata kahit mahina na ang kapit nito at sinabi niya sa amin ang prophecy. Ang anak nila Allisareighn at Sullivan ang magiging reincarnation ng ate Samara ko. Magkakaron ito ng lakas at tapang at kabutihan ng loob katulad ng ate Samara ko. Nung una ay hindi ako pumayag dahil anak yun ni Sullivan, ang kaisa-isang nilalang na pumatay sa ate ko tapos... ang anak nila ang magiging reincarnation? Nang isisilang na ni Reighn ang anak niya ay tumakas siya, sinama niya si Michael, magka-sama sila at nangako si Michael na papakasalan niya si Allisareighn pero dumating si Sullivan at pilit na kinukuha si Reighn dahil hindi daw niya hahayaan na ang mismong anak niya ang tatapos sa buhay niya kaya gusto niyang palakihin ito ng masama gaya niya kahit babae pa ito."

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon