***
"My gosh!" napahawak kaming lahat sa bibig namin nang mabasa namin ang letter ni Tim Enrique. Babalikan niya ang mga Phoenix? Ano ang ibig niyang sabihin 'don?
"Hindi niya pwedeng gawin yun sa 'min!" si Safira. "Hindi pwede!"
"Kung mahuhuli natin agad siya ay hindi."
Napatingin sa 'kin si Safira nang sabihin ko yun. "Anong ibig mong sabihin?"
"Kung mahuhuli natin siya agad ay hindi niya magagawa yun pero kung hindi ay--ayoko namang sabihin 'to. Sana magawa na lang natin kaagad para matapos na 'tong case na 'to, right? Tutulong naman kayo di ba?"
"Oo. Kapakanan namin ang naka-salalay dito--"
"Tutulong na kami." biglang pumasok sina sir Haruto at Sir Kage dito sa loob ng bahay ng suspect.
"Sir." naiusal naming lahat.
"Tutulong ho kayo?" si Neiko.
"Oo para matapos na 'to dahil may mas importante kayong kailangang gawin." si Sir Haruto.
"Hehe Phoenix galingan niyo sa ipapa-gawa sainyo ng Headmaster ah? Kailangan may makuha sa inyo! Wag niyo kong bibiguin!" si Sir Kage.
"Y-Yes sensei!" ang mga Phoenix.
"Titans, kahit wala sainyo ang makuha ay okay lang basta gawin niyo ang best ni--"
"Ano ka ba Haruto!" biglang nag salita si sir Kage kaya natigilan si sir Haruto. "Mangangarap ka na nga lang para sa advisory class mo, ganyan pa? Tsk tsk." at umalis na siya. Tinanguan kami ni Sir Haruto at nauna na din siya sa van namin.
"Ang swerte niyo kay Sir Haruto 'no?" biglang sabi ni Constance. Ngumiti siya sa 'kin nang pilit. Alam kong napipilitan na lang din sila sumunod kay Sir Kage. Hays! Sumakay na kami sa van namin at pumunta sa next location.
"Sir Haruto ano po yung ipapa-gawa samin ni Headmaster?" si Cheska.
Ngumiti siya sa 'min. "Ia-announce pa ni Headmaster mamaya."
Bigla akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang iba ang kutob ko sa isang 'to ah? Ano kaya ang mangyayari? Ano ang ia-announce ni Headmaster? Maganda kaya o hindi? "Matagal pa ang biyahe kaya matulog muna kayo kung gusto niyo." sabi ni Sir Haruto. Matagal? Saan kaya kami pupunta? "Sa Batangas."
"Ano?!" sabay-sabay naming pasigaw na tanong sa kanya.
"Ang layo!" ngumuso si Cheska.
Grabe! Ang layo ah? Hinayaan ko nalang ang sarili kong maka-tulog dahil mahaba pa ang biyahe namin. Kung saan-saan naman kase pumupunta yung Tim Enrique na yun.
***
Constance
2 hrs na kaming buma-biyahe at kanina ko pa pinag-mamasdan si Neiko na natutulog at kahit tulog siya ay ang gwapo pa din niya. Nanglaki ang mata ko at napalunok ako nang ipatong niya ang ulo niya sa balikat ko! Oh my god! Parang hindi ako maka-hinga!
"Excuse." mahinang sabi ni Nathan at dumaan siya sa gilid namin at tumabi kay Alina. Natutulog naman si Alina.
Tinignan ko uli si Neiko. Ang kapal ng kilay niya at matangos ang ilong niya at perfect din ang heart shape lips niya na mamula mula. Mas mapula ang labi ni Nathan kaysa sa kanya pero para sa 'kin siya ang mas gwapo.
Aish! Nababaliw na ko sa lalaking 'to na alam ko namang hindi dapat dahil paniguradong siya ang mapipiling tagapagmana ng apoy na elemento dahil sa tatay niya. Napabuntong hininga ako. Dapat hindi ko na siya pangarapin pa. He's like my air, when he's gone I can't breathe.
BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mistério / Suspense(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...