Endless.
***
~Alina
"PAKIUSAP!" lumuhod ako sa harapan nila nang marating ko ang gintong bundok kung saan naka-tira ang apat na diwata na makaka-tulong sa’kin para maibalik ko uli si Nathan sa’kin. "Pakiusap. Nakikiusap ako sainyo, tulungan niyo ko!" humagulgol ako. "Pakiusap, mga diwata. Kung kukunin niyo ang kaluluwa ko, kuhanin niyo na, sainyo na, maibalik ko lang si Nathan."
"Alina, tumayo ka." utos ng Diyosa ng Hangin. "Alam namin na mahal mo si Nathan Montecilla ngunit kailangan mo nang tanggapin ang katotohanan, wala na siya."
Umiling ako habang umiiyak, hindi pa din ako tumatayo. "Hindi hindi hindi. Ang sabi nila Samara ay may paraan pa kaya nag-susumamo ako sa inyo, pakiusap, tuparin niyo ang hiling ko."
"Tumayo ka na riyan. Nais ka man naming tulungan ngunit hindi talaga iyon maaari." utos naman ng Diyosa ng Apoy.
"Maging matatag ka na lamang at makakalimutan mo rin siya." sambit naman ng Diyosa ng Lupa.
"Hindi! Hindi ako magiging masaya kung mawawala siya sa’kin kaya pakiusap– pakiusap, gagawin ko ang lahat ng gusto niyo, pag-bigyan niyo lang ang hiling ko." nakikiusap, nakikisumamo nang sambit ko.
"Tumayo ka na riyan, tutulungan ka na namin." nag angat ako ng tingin sa Diyosa ng Tubig.
"T-talaga ho? Maraming–"
"Hindi maaari, Agua." napatingin ako sa Diyosa ng Apoy nang tumutol siya.
"Ngunit–"
"Alina, bumalik ka na sa iyong tirahan at mamahinga. Mawawala din ang sakit na iyong nararamdaman, mag tiwala ka na lamang." utos ng Diyosa ng Hangin.
"Hindi nga sabi! Hindi ako tatayo hangga't hindi niyo pinag-bibigyan ang hiling ko."
"Naisin man naming ika'y tulungan ngunit labag iyon sa batas." sabi naman ng Diyosa ng Hangin.
"Wala ba kayong mga puso?" nag angat ako ng tingin sa kanilang apat. "Hindi niyo pa ba nararanasan ang mag mahal? Napaka-hirap nito para sakin dahil wala pa si Nathan at walang kasiguraduhan ang buhay niya–"
"Ngunit sino ba ang tumapos sa buhay niya? Hindi ba't ikaw?" putol ng Diyosa ng Apoy sa sinasabi ko. "Wag kang mag salita na parang ganon kami dahil hindi–"
"Bedelia," pigil ng Diyosa ng Hangin sa Diyosa ng Apoy. Naramdaman ko na hinawakan niya ang ulo ko at may binubulong na hindi ko naman maintindihan kung ano ang binubulong niya. "Makakalimutan mo ang nangyari rito at kung magigising ka at naaalala mo pa din ang iyong sinisinta, matutupad ang unang hiling na sasabihin mo ngunit may isa sa taong mahal mo ang mawawala rin."
***
Nagising ako at kumikirot ang ulo ko. Napaka-sakit ng ulo ko at parang binibiyak ang puso ko, hindi ako maka-hinga. "A-ano ba ang—Nathan? Nathan? Nasaan si Nathan?" pero walang tao sa paligid ko at nandito na ko sa kwarto ko kaya umiyak nalang ako. "Sana mabuhay pa si Nathan, kailangan ko siya, mahal na mahal ko siya."
Sa kaka-iyak ko, hindi ko namalayang naka-tulog na pala uli ako.
-----
"Gumising ka, Alina." nilingon ko ang nag-salita sa likod ko, ang mga Diyosa.
"B-bakit kayo nandito?" kumunot ang noo ko.
Ngumiti sila sa’kin. "Gumising ka na, Alina, nag-hihintay na siya."
"H-ha? Ano'ng nag-hihintay? Sinong 'siya'?" naguguluhang tanong ko sa kanila.

BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mystery / Thriller(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...