***
Nathan
Nag-hahanda na kaming lahat para hanapin si Alina dahil naalala ko yung binigay ko sa kanyang Olaf ay may tracking system 'don kaya susundan namin ang ituturo ng holographic watch ko. Buti nga binigyan ko siya nun eh.
"Ano yung tinawag mo kay Alina kanina at yung tinawag niya sa 'yo?" hindi ko na tinapunan ng tingin si Neiko nang mag tanong siya.
Sinabit ko ang bag sa likod ko. "She's my girlfriend now."
"Ahh." tango lang ang naisagot niya.
Lumabas na kami sa tent at nakita naming handa na din pala sila. Mag-hihiwa-hiwalay kami. Ako, si Neiko, si Aleron, si Constance, si Nisha, at si Valerie, at Lynx ay hahanapin si Alina habang yung iba naman ay mag-hahanap ng bagong campsite na pinamumunuan ngayon ni Rash, kasama nila ang mga Ravens. At yung iba naman ay mananatili dito sa campsite namin at magbabantay lang.
"Tara na." anyaya ko sa kanila at sabay sabay naming nilisan ang camp site.
Habang naglalakbay ay tahimik lang kaming lahat. "S-sa tingin niyo, bakit si Alina ang naging kapalit ng pag-lisan ng mga Devil-Z?" binasag ni Nisha ang katahimikan na iyon.
"Dahil hindi pwede mag-pakita ng weakness ang SSG President ng Aithne High." si Neiko ang sumagot. Napabuntong hininga na lang ako.
Tama siya. Bawal akong mag-pakita ng weakness ko. Isa pa, may iba pang dahilan bukod 'don. Kami ni Neiko, bawal kaming magka-gusto sa iba dahil alam nilang magiging kahinaan lang namin yun at gagamitin laban sa 'min. Pero anong magagawa ko? I love her.
"Girlfriend mo na ba siya, Nathan?" si Valerie.
"Hindi niyo ba narinig yung tawagan nila kanina? Halata naman." si Neiko.
"Namchin? Yeochin?" si Constance. "Ano bang ibig sabihin 'non?"
"Girlfriend and boyfriend." si Aleron.
Constance nodded. "So in japanese... kareshi and kanojo?"
"Mm." si Valerie. "Di ba kayo na ni Neiko? Wala kayong endearment?"
Natawa ako ng mahina. "Neiko doesn't like endearment. for him, it's cheesy."
***
Alina
"Pakawalan niyo ko!" sigaw ko habang nag-pupumiglas. Itinatali kase nila ang kamay ko sa upuan. What the hell are they doing?! Hinawakan nung isa ang mukha ko na agad ko namang iniwas. "Don't touch me." mariin na sambit ko.
"Are you his girlfriend?"
"Who?" walang interes na tanong ko kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.
"Nathan Montecilla."
I smirked. "What the hell do you care?"
He laughed softly but sarcatically. "Break up with him, girl. He cannot have weakness." aniya na ikina-bigla ko. "I'm sure that he is already finding a way to found you." he smirked. "Magiging madali na lang ang lahat. Ako na ang magiging leader ng BBW."
"B-BBW?"
Tumayo siya at nginishan muna ako bago umalis. "AGH! Pakawalan mo ko dito!!"
Ano ba ang sinasabi niya? Ano ang sinasabi niyang mapapadali na lang ang lahat at siya na ang magiging leader ng BBW? Ano ang BBW? Bakit kailangang isama pa niya si Nathan? Ano ang kinalaman ni Nathan 'don? May iba pa ba akong hindi alam sa kanya? S-Sino ba siya?
***
Rash
Ginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng nahanap naming isla. "Mahangin dito at malamig."
BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mystery / Thriller(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...