***
Pumasok kami sa isang room at sa isa pang room 'don at lumakad kami sa isang hallway and then after 10 minutes ay narating na namin ang agency namin. Madilim nga 'don eh pero dahil nga ang seventh sense ko ay vision ay nakikita ko ang mga naka-sulat bawat pinto sa pinasukan naming first door. Ang pinasukan naming second door ay may naka-sulat na TN which means Titan at may mga iba pang doors, ayun siguro ang daan ng ibang families patungo sa agency nila.
Malaki ang agency namin at may dalawang pinto ang nandito, which means two rooms. Ang sabi ni sir ay stock room daw ang isa at bedroom naman daw ang isa. Umupo kaming anim dito sa sofa habang si sir naman ay nasa desk. Biglang may pumasok sa pinto, lalaki na naka-police officer attire.
"Oh Ryuu anong ginagawa mo dito?" si sir Haruto. Kausap niya yung si sir Ryuu.
"Ang hirap kausapin ng mga alaga ni Kage kaya dito muna ko. Matatalino sana ang mga Phoenix pero hindi nila susundin ang utos ng iba, tanging utos lang ni Neiko ang sinusunod. Mga pasaway." si sir Ryuu. Natawa naman ng mahina si sir Haruto.
Ang sabi kase nila ay si Sir Haruto daw ang teacher namin sa agency, siya ang makakasama namin sa pagso-solve ng cases. Si Sir Kage naman ang teacher ng Phoenix sa agency. At si Sir Sora naman ang sa Ravens. At si Sir Riku naman ay sa Vikings. Si Sir Kiyo naman ay sa Panthers. Si Sir Aito naman ay sa Hunters. At sino ang sa Knights? Ang Vice President ng Aithne High... mismo!
Biglang may lalaking pumasok pero this time ay hindi na police officer. Isang lalaking naka-tuxedo na halatang kaka-galing lang sa isang ceremony. Lumapit siya kay sir Haruto.
"T-Tulungan mo ko! Tulungan niyo ko! Tulong!" parang nawawala na sa katinuan ang lalaki kaya pina-inom siya ng tubig ni sir Haruto pero tinanggihan niya yun. "Ayoko! Hindi ako iinom ng tubig na may lason!"
"Walang lason 'to." si sir Haruto. "Ano bang nangyari, Mister?"
"May..." kinuha niya ang tubig at inubos yun saka siya kumalma. "E-Eto! Basahin mo!" may ibinigay siya kay sir na papel. Nang mabasa yun ni sir ay binigay niya yun sa 'min para mabasa din namin.
Jerome, mag handa ka, babalikan kita at pag-balik ko, dadanak ang dugo.
- GSF
Ayan ang naka-sulat sa papel. Nakaka-kilabot lang dahil kulay pula ang gamit na pinang-sulat 'non. GSF? Sinong GSF?
"Tutulong kami basta sabihin mo samin kung anong nangyari." si sir Haruto. "At kung anong pangalan mo."
"Ako si Jerome, 24 years old. Habang nasa ceremony ako ay may pumatay sa girlfriend ko. Tapos after 5 minutes ay may natanggap na kong sulat and worst, may nag sulat sa kotse ko gamit ang red paint at ang naka-sulat 'don ay; MAGBABALIK AKO."
Kinilabutan ako habang nagku-kwento siya. Hindi ko alam kung bakit pero ang creepy. Sino ang magbabalik? Malabo naman yung girlfriend niya dahil patay na nga daw, 'di ba?
"M-Mamaya ay may masquerade pool party ako sa bahay ko mismo." dagdag pa ni Mr. Jerome. "Gusto kong tulungan niyo ko."
"Who is your primary suspects?" sabat ni Nathan.
"Si Cecil, ang kapatid ng girlfriend ko. Si Paul, ang ex-boyfriend ng girlfriend kong baliw na baliw sa kanya. At si Kenneth, ang kaibigan ng girlfriend ko."
"So sila ang mga primary suspects mo? Okay." si sir Haruto. "We will help you." nakipag-kamay si sir dun kay Mr. Jerome at umalis na yung si Mr. Jerome.
"Sa tingin niyo ba ay nagsasabi siya ng totoo?" si Rash.
"Well, may part na meron at may part na kulang." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Cheska. Anong ibig niyang sabihin?

BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Mystery / Thriller(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...