***
"May mga nakalap na kaming impormasyon." agad na sinabi ni sir Haruto at ni-lock nila ang pinto. "Hindi namin pwede pag-samahin ang Phoenix at Titans sa pag-iimbestiga, lalo na ang Phoenix at Knights. Mahaba naman ang patience ng mga Ravens kaya sila ang mag-sasama sa imbestigasyon. Ang Knights ay sarili nila at ang Titans ay sarili lang din nila."
"Mahaba ang pasensya namin pero hindi sa mga... Phoenix." si Cyfrin. "Napaka-maldita nila."
"Tsk." napairap nang sabay-sabay ang mga Phoenix.
"That is a final decision. Napag-usapan na namin yun nina Riku at Kage," si sir Haruto. "Mamayang 6 am ay aalis na tayo. At si Cassandra ang magbabantay ng secret hideout. Magtutulong-tulong tayo dahil konektado ang cases na hawak nating lahat. Pero mga earthling pa din sila."
"Yes they are just weak earthlings." si sir Kage. Mana-mana lang talaga yan hays!
"Ravens, Phoenix, please cooperate." si sir Riku.
"Do we have a choice?" si Cyfrin.
"Wala."
"See? Ugh! We're stuck with them." napaupo nalang si Cyfrin sa sofa.
Lumipas ang ilang oras at 6 am na kaya umalis na kaming lahat maliban kayla Cassandra at VP Michael. Hindi ko alam kung kaylan ang katapusan namin dahil sa sinabi ni Cassandra na sa isang war. Hindi imposible ang magkaron uli ng panibagong war. Napabuntong hininga nalang ako. Bumaba na kami sa van nang makarating na kami sa destination namin. Pumunta kami sa isang hotel. Pumunta kami sa lugar kung saan madaming naka-harang na kulay dilaw. At may... oh my god! Napa-hawak ako sa bibig ko nang makita ang isang lalaking walang buhay at may saksak sa dibdib, siya yung lalaking humingi ng tulong samin na si Jerome. Alam na namin. Dito nangyari ang insidente.
"OMG he is dead." si Cheska.
"Hindi ako makapaniwala." napahawak din pala si Rash sa labi niya.
"He's dead." si Nathan. Umiling-iling pa siya at bumuntong-hininga.
Ano kaya ang nangyayari ngayon sa iba pang familes? Hays! Paniguradong may hindi pagkaka-unawaan ang mga Phoenix at Ravens. Ibang klase kase ang mga Phoenix sa totoo lang.
***
Constance
Nandito palang kami sa biyahe papunta sa resort dahil 'don ang first destination namin sa pagso-solve ng crime.
"Kami na ang mag-iimbestiga. Alam niyo na, mahina ang iba jan." pagpa-parinig ni Safira at kahit hindi niya banggitin ay ang iba na tinutukoy niya ay ang mga Ravens. "Puro yabang, wala namang napapala. Hays!"
"Totoo." pag-ayon pa ni Racy kay Safira. Bagay sila! Baka sila ang magka-tuluyan niyan ah?
Pero napangiti pa din ako. Bilib ako sa ginawang tapang ni Alina kanina. Napapa-bilib niya ko at alam kong parehas kami ni Neiko na napapabilib niya. Kahit hindi sabihin nina Racy ay halatang napa-bilib din sila ni Alina. Kung si Alina nga ang magiging heir ng fire, ayos lang sa 'kin. Hindi ko naman minimithi ang maging heir ng fire. Malaking responsibilidad kase yun.
"Oh sige sige saksakin mo ko! Hindi ako natatakot sa 'yo!" nabalik ako sa reyalidad nang mag salita si Keah, ang isa sa mga Ravens.
"Ha! Really? But I can see the fear in your eyes." savage na ani Safira.
"Jan naman kayo magaling, 'di ba?" hindi din nag-patalo si Keah dahil lumabas ang lila niyang mga mata. "Ang pumatay?"
Parang nag liyab ako sa galit kaya hindi ko na-control ang sarili ko. "Ang pumatay? Mag dahan dahan ka nga sa mga pinag-sasasabi mo!"
BINABASA MO ANG
Aithne High: The Hunters
Misterio / Suspenso(Warning: This story is written in 2021. I started writing this when I was 11 and ended this when I was 12 so expect some grammatical errors and clichés typings.) Aithne High, a school where magic exists, a school where anything is possible, a schoo...