Chapter 41 - Second Mission: Sinister Academy

0 0 0
                                    

***

"Nandito na tayo."

Lahat kami ay nagising nang biglang sabihin yun ni Drake Griffin. Lahat kase kami ay naka-tulog bukod sa kanya, ang tatag niya grabe.

"Nandito na tayo?" patanong na tinig ni Belle.

"Oo. Nandito na tayo. Natatanaw ko na ang Sinister Academy." ani Drake.

Hindi ko na rin kailangang i-zoom in ang vision ko dahil nakikita ko na mula dito ang Sinister Academy. Kung sa amin ay nasa pusod ng gubat, ang Serenity Academy ay may portal sa train station, sa kanila naman ay nasa likod ng malaki at mataas na mountain.

"Wow grabe." namamanghang sambit pa ni Lynx.

Pero bago pa kami maka-daan sa malaking bundok na 'yon ay may mga paparating na na bangkang lumilipad, yes, a flying boat, as in bangka. Color brown na bangka pero walang triangle na naka-taas, tapos sa harapan ay may diamanteng naka-ukit.

Naging alerto kami nang biglang mag palipad sila ng mga magic darts and arrows sa 'min, naging maingat kami para hindi kami matamaan ng mga 'yon. Mukhang bina-bantayan nila ang paaralan.

"Paano na yan?" nagpa-panic nang tanong ni Aleron.

"Wag kayong mag-alala. May daan pa bukod dito pero malapit lang." sambit ni Drake.

"Pano mo naman nalaman?" tanong sa kanya ni Belle.

"Basta." iniliko ni Drake ang flying carriage na sinasakyan namin at kasabay no'n ay ang pag-tigil ng mga Sinisters sa pag-papalipad ng mga arrows sa 'min.

Pumasok ang sinasakyan naming karwahe sa isang kweba, madilim sa kweba pero may liwanag ang karwahe na sinasakyan namin kaya hindi masyadong madilim.

"Ah!" biglang napasigaw si Valerie nang may isang dosenang paniki ang lumipad, dinaanan pa kami.

"Don't worry, the bats here are friendly." tinanguan kami ni Drake.

Parang may napapansin nga ako between Calix and Drean eh. Hindi yung love relationship ah, pero malalim na koneksyon na kahit pag-ibig ay hindi matutumbasan. Hindi ko lang alam kung ano yun, hindi ko ma-explain.

Bumaba ang karwahe na sinasakyan namin kaya bumaba na din kaming lahat, ang paglalakad namin ay pinamumunuan ni Drake dahil siya ang may hawak ng lampara. Maingat kaming nag lakad dito sa loob ng kweba hanggang sa pumasok kami sa isang pinto at may hagdan agad na bumungad sa 'min do'n kaya ginamit namin yun pa-akyat.

Nang maka-akyat na kami ay hallway na ang bumungad sa 'min kaya nilakad nalang namin yun, marami kaming estudyante na nakaka-salubong pero parang wala lang silang pakialam. Yung mga iba kase ay nag-babasa, yung mga iba ay nagku-kwentuhan, yung mga iba naman ay kumakain, at meron ding may mga sariling mundo.

"Sino kayo?" may lalaking naka-sakay sa electric scooter. "I am Ross Juarez, Supreme Student Government President of Sinister Academy. And how may I help you, witches, wizards, and senshis?"

Kilala niya kami? My ghad! Akala ko hindi ah? Siguro alam niyang senshis kami pero hindi niya alam ang mga pangalan namin pati ang pakay namin.

"May hinahanap lang." nginitian siya ni Aidan Newton.

"Hmmm interesting." tumango-tango ang Ross Juarez Supreme Student President of Sinister Academy.

"Bakit naman naging interesting?" kumunot bigla ang noo ni Neiko.

"Hmmm may I know kung ano o 'sino' ang hinahanap ng mga panauhin namin?" Iba na ang kutob ko sa isang 'to ah?

"Supremo." napatingin kami sa babaeng biglang lumapit kay Ross Juarez. "Supremo Supremo may mga estudyanteng nag-aaway do'n."

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon