Chapter 37 - Special Announcement

0 0 0
                                    

***

ALINA

Unang araw ngayon ng September kaya unang araw din ngayon ng kasiyahan namin. Mamayang gabi na kase ang Night Ball namin eh. Kung nagtataka kayo kung ano ang mga nangyari sa 'min after that first mission? Well, they congratulate us. Ang sabi nila Sir Haruto ay ayun daw ang case nila no'ng nakaraan pero bigo sila, hanggang ngayon ay sinusubukan nilang i-solve pero naunahan pa daw namin siya. Ang sabi pa nga niya ay tunay na karapat dapat daw kami na maging Keepers at Seekers, wala na daw iba. At masaya din ako dahil kinabukasan no'n ay nag audition na ko sa Ballet Club at ano ang good news? Syempre naka-pasok ako! Si Nathan ang unang naka-alam no'n dahil gusto ko siya ang unang maka-alam, syempre, binati niya ko at masaya daw siya para sa 'kin hanggang sa kumalat na ang balitang ako ang new member ng Ballet Club. Ngayon? Well, ngayon naman ay nag-hahanda na kami para maka-punta na agad sa Kodo building. At kapag Kodo building, alam niyo na kung bakit.

"Ano na naman kase ang announcement nila Headmaster? Nakaka-inis na ah! Baka bad issue na naman yan! Kinakabahan ako." Halata din kay Cheska na kinakabahan siya dahil naka-nguso siya. Kami din naman ay hindi din namin alam kung ano. Kanina pa nga sila usisa ng usisa sa 'min ni Nathan e hindi nga namin alam kung ano yun. "Hoy wala ba talaga kayong alam?" pinadyak padyak ni Cheska ang paa niya dahil sa sobrang inis.

"Wala nga talaga, promise!" tinaas ko pa ang kanang kamay ko, nanunumpa.

"Talaga lang ah?" ngumuso pa siya kaya hindi ko napigilang matawa ng mahina.

Bigla ko tuloy naalala yung unang beses kong nakita si Nathan na naka-nguso. Hindi ko sinasadyang makita siya ha pero kase nung tinanong ko siya kung bakit ay sabi niya ayaw daw umalis ni Myles sa Ballet Club. Ballet din pala kase ang club ni Myles at siya ang magiging choreographer ko sa sayaw at naiinis do'n si Nathan dahil ibang klase nga ang ballet 'di ba? Sabi niya baka tyansingan daw ako ni Myles pero ang sabi ko naman ay hindi mangyayari yun dahil uupakan ko siya pero etong si Myles e patuloy pa din sa pang-iinis kay Nathan. Parang ang kaligayahan na niya sa buhay ay ang lokohin at inisin si Nathan, parang hindi buo ang araw niya kapag hindi niya naiinis si Nathan.

"Hey sweetheart!" ayan na naman siya!

"Anong sweetheart?" naiinis na naman si Nathan. Nang akmang lalapitan na ko ni Myles ay hinarang ni Nathan ang braso niya para hindi ako malapitan, ginawa niya yun na parang harang. "This is my property, no trespassing!"

Nakagat ko naman ang labi ko para pigilan ang pag-tawa ko. Ibang klase! Seloso talaga siya kahit kaylan. At kung hindi pa ko pumasok sa kwarto nila ay hindi ko pa malalaman ang mga tinatago niya. Pero ayos lang sa 'kin 'yon! Bagong kaalaman lang.

~flashback~

"Nasaan si Nathan?" tanong ko kay Rash nang makita ko siyang kumakain sa sofa at nanonood.

"Hindi ka pa ba sanay sa weird boyfriend mo na 'yon? Kung saan saan lang lumu-lusot 'yon." hindi manlang niya ko tinignan dahil busy pa din siya sa panood. "Ay putek! Ang bobo mo! Nasa likod mo kase!" napailing na lang ako nang sabihin niya yun na naka-turo pa sa bidang babae do'n sa pinapanood niya na movie.

"Papasok na lang ako sa kwarto niyo ah? Baka nandon siya."

"Sige lang." tumango pa siya. "Ay ayan! Bobo kase putek!" napailing na lang uli ako nang sigawan niya uli yung bidang babae sa movie kaya umakyat na lang ako sa kwarto nila. Yung hagdan nila ay maliit lang, tatlong hakbang lang ay nandon ka na sa taas. Kaya pumasok na ko sa loob.

Ginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto nila. Isang double deck lang ang nakita ko do'n kaya pumasok pa ko sa loob at may nakita akong pinto kaya binuksan ko yun at nang makita kong sobrang linis sa loob ay saka ko lang napagtanto na kay Nathan ang kwartong 'to kaya pinasok ko yun.

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon