CHAPTER 1

1.1K 19 2
                                    

Luna


Tatlong araw na akong walang raket. 'yong naka-schedule na gig ko sana ngayong araw ay napurnada dahil pansamantalang nagsara 'yung bar. Nagkaroon daw ng away kagabi at kailangang ayusin muna ang mga nasirang gamit.

Abala ako sa pagwawalis sa labas ng bahay namin nang biglang dumating si Jigo, isa sa mga nakakasama ko mga gigs. Drummer siya sa kanilang banda at kapag kailangan nila ng babaeng vocalist sa mga tugtugan nila, ako ang lagi nilang kinukuha.

Tumigil ako sa pagwawalis nang mapansin ko ang presenya niya. I looked at him and I can see him standing in front of our gate. He's bad boy image look is very appealing to women. Nakaitim na round neck t-shirt, maong pants, at white sneakers na mamahalin ang tatak. Beanie na kulay gray at dog tag ang kanyang accesorries. Ang kanyang muscles ay humahakab sa kanyang katawan.

"Baka matunaw ako sa titig mo niyan, Luna. Pero hindi kita masisisi. " He said while smirking. My upper lip rose and glared at him.

"Jigo, good news ba 'yang dala mo? Nauna kasi ang hangin eh." I rolled my eyes bago ko siya nilapitan at pagbuksan ng gate.

Niyaya ko siyang pumasok sa bahay pero tumanggi na siya. Aniya'y hindi naman daw siya magtatagal.

"May gig kami sa Sta. Ana, kailangan namin ng babaeng bokalista. Kaya lang..." nabitin ang sinasabi niya ng dumako ang mata niya sa pintuan ng bahay namin. Naroon pala si Mama.

"Good morning po, Aunty Melda!" Magiliw na bati ni Jigo. He even waved his right hand habang nakangiti. Mama just nodded and went back inside the house.

Nilingon niya akong muli. "Kaya lang ano?" Pagtatanong ko.

"Isang linggo 'yon. Stay-in. Sa isang hotel-casino. Kakanta tayo sa bar nila."

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ibinalita. Isang linggo? Malaking kita na rin 'yon!

"Game! Sama ako!" I said.

"Okay. Susunduin ka namin bukas ng madaling araw. Huwag kang mag-alala, hiwalay ang kwarto mo sa'min. Provided na iyon ng hotel. Pati yung mga susuotin. Magdala ka na lang ng damit mo pamalit." Aniya.

Nang makaalis na siya, mabilis kong tinapos ang pagwawalis sa bakuran. Itinapon ko ang mga tuyong dahon sa basurahan na lata at dinala sa likod bahay. Tinungo ko ang kusina para magluto ng almusal nang lapitan ako ni Mama. Tumikhim siya na siyang ikinalingon ko. Nakita kong nakangiti siya sa akin.

"A-ano'ng sinabi sa'yo nung kasama mo?" pasimple niyang tanong. Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang itlog na binatil ko at inihalo ko iyon gamit ang tinidor.

"Nag-alok ng trabaho, 'ma." Tamad ko siyang sinagot. Nilagyan ko ng kaunting asin ang itlog.

Kinuha ko ang kawali sa hanging cabinet at isinalang sa kalan. Tumikhim ulit si Mama. Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy na lang ako sa ginagawa. Naglagay ako ng kaunting mantika sa kawali bago ko ibinuhos ang itlog.

"Eh 'di may kita na naman." Nakangiting tinuran niya sa akin.

Bumuntong hininga ako. I busied myself cooking the eggs. Alam ko na naman kung saan patungo ang usapan naming ito.

"Pagkatapos ng gig 'ma. Makikita natin." Ani ko.

Lalong lumuwang ang kanyang ngiti. Tila ba mas excited pa siya kesa sa akin. If I know...

"Isang linggo akong mawawala, Mama. Sa Sta. Ana ang raket ko. Iiwan muna kita rito."

Unti-unting naglaho ang kanyang mga ngiti at napalitan ng pagkabusangot. Hanggang sa nagsalubong na ang kanyang dalawang kilay.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon