CHAPTER 35

731 10 2
                                    

Luna


He made me a woman that night.

Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya ng walang paga-alinlangan, walang inhibisyon, at walang pagdududa. Hindi ko na inisip kung ano'ng mangyayari sa mga susunod. I know how reckless it is but with him, I can't stop myself.

I can still remember vividly what happened inside that room. His stares at me were full of passion and love. Magkatabi kami't magkayakap matapos naming pagsaluhan ang init ng pagmamahal. With my head on his arm, habang ang isa ay abala sa pagsusuklay sa buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

"I had to pull out." Aniya. Bumaba ang mga daliri niya sa aking pisngi at panga.

Napalunok ako at napapikit ng mariin. Kailangan pa ba naming pag-usapan ng detalyado kung ano'ng ginawa namin? He initiated the first time. But on the second time...I shamelessly...

I sighed. So what if I wanted more? We both benefited to that. Mahal ko naman siya. Is it really a big deal if the girl asks for more?

Iyon nga lang, hindi ko alam kung magsisisi ba ako dahil ramdam ko ang kasabikan niya sa akin. Hindi na siya nakapag-kontrol kaya ang resulta, hapung-hapo ang katawan ko sa nangyari.

"Baka mabuntis kita. You haven't graduated yet." Dagdag niya.

Napanguso ako. Finals na namin next week. After no'n, preparation for graduation na. Confident naman akong maipapasa ko lahat ng mga subjects ko dahil nag-aaral naman ako ng mabuti.

"Graduating na ako." Mahinang sabi ko sa kanya.

He chuckled when he heard my answer.

"Do you want me to get you pregnant now?" tanong niya.

Nag-isip ako. Sabagay, bata pa ako. Saka ko lang naalalang marami pa pala akong pangarap sa buhay. Makakapaghintay ang bumuo ng pamilya, ang magkaroon ng anak. Isa pa, hindi pa ako handa sa mga ganoong bagay. Hindi ko pa nakikita ang sarili kong maging isang ina.

Umiling ako bilang tugon sa kanya. He sighed and kissed my forehead.

"Whatever you want, baby..." tanging nasabi niya sa akin.

Pumihit ako paharap sa kanya. We're still naked under the sheets. Malamig ang kwartong iyon pero dahil sa init ng katawan ni Martin, hindi ko iyon alintana. I felt his manhood on my lower abdomen, still standing and proud, when I faced him.

"T-Talaga bang...ganyan 'yan?" tukoy ko roon.

Nangunot ang kanyang noo habang tinitingnan ako sa aking mga mata. Sandaling nag-isip kung ano'ng ibig kong sabihin. Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya hanggang sa narinig ko ang mahinang halakhak niya.

"I never had a hard-on like this before. Sa'yo lang." he said naughtily.

Nakurot ko ang tagiliran niya. Lalo lumakas ang mapaglaro niyang halakhak. Nag-uumpisa na naman siyang mang-asar katulad ng ginawa niya sa akin paggising ko.

Sumiksik ako lalo sa katawan niya. Naamoy ko ang natural niyang bango na nanuot sa ilong ko.

"Let's make ourselves official, please..." he said in his trembling voice.

Humigpit lalo ang yakap ko sa kanya. Pilit kong isinisiksik sa utak ko ang lahat ng mangyayari ngayon dahil bukas, pagsikat ng araw, haharap na naman ako sa panibagong hamon ng buhay. Sa reyalidad.

Umiling ulit ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko siya matatanggap ngayon dahil hindi ako sigurado kung kaya kong suklian ng buo ang pagmamahal ko sa kanya.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon