CHAPTER 6

819 15 1
                                    

Luna


Pagkatapos kong linisin ang loob ng bahay, sinunod kong walisan ang bakuran sa harap. Ramdam ko na ang pagod pero kailangan ko munang mag-ayos ng bahay. Pwede naman akong magpahinga maghapon pagkatapos kong gawin ang lahat ng ito.

Bumili na lang ako ng lutong ulam sa labas para sa pananghalian dahil hindi pa ako nakakapamalengke. Mag-isa akong kumain dahil tulog pa si Mama. Pagkatapos kong kumain at maghugas nang pinagkainan, tumuloy na ako sa kwarto ko para magpahinga.

Nagising ako dahil sa mga kaluskos na narinig ko sa labas ng kwarto. I took my phone to check the time. Maga-alas kwatro na pala ng hapon. Napahaba ang tulog ko. Nakita ko sa notifs na may isang missed call at dalawamg text messages. Binuksan ko iyon para makita kung sino 'yon. Lahat kay Martin galing.

"Are you home now?"

"Can I call?"

Agad akong nagtipa ng reply para sa kanya.

"Sorry, late reply. Kagigising ko lang. Nakauwi na rin ako."

Bumangon ako at kinuha ang bag kong naglalaman ng maruruming damit. Lalabhan ko iyon bukas. Itinabi ko ang mga iyon at inilagay sa laundry basket. Kasalukuyan kong inaayos ang bag ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Martin calling...

I cleared my throat before I answered the call.

"Hello?"

"Sorry, did I wake you up?" he asked.

"Uh, hindi."

I heard him sighed. "I had a meeting this morning. Sorry, hindi na ako nakapagtext."

Napanguso ako. Guilty ba siya dahil doon? Hindi naman siya obligadong mag-update sa akin lagi.

"Okay lang." iyon na lang ang nasabi ko dahil... hindi ako makapag-isip ng pwedeng isagot.

Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang segundo. I tried my best to open up a topic para magtagal pa ang pagu-usap namin pero wala talaga akong maisip.

He broke our silence. "Luna..."

"O-ops?"

He sighed. I gasped. Bakit ganito ang epekto mo sa akin?

"I'll be there next week." Aniya.

Tinignan ko ang nakasabit na kalendaryo malapit sa pintuan. Nakita kong nakabilog ang dalawang dates next week. Bumangon ako para tingnan ang nakasulat doon. Enrollment day.

"Ano'ng petsa?" I said.

"The whole week." He answered.

"Bakit ka pupunta rito? Trabaho ba?" I asked again.

"Yes." diretsong pagkakasabi niya.

Trabaho naman pala. Sabagay, magiging busy rin naman ako next week. Dalawang araw ang enrollment. Saka, hindi ko rin alam kung baka may mag-aya na naman sa akin sa gig. Hindi ko iyon tatanggihan kahit malaki ang kinita ko sa resort na iyon. Kailangan kong mag doble-kayod dahil magsisimula na akong mag-aral.

"Sige. Uh, ibaba ko na ito. M-mamamalengke pa ako, eh."

"Yeah..." sabi niya pero umaasa akong hindi niya pa ibababa ang tawag. Pero...

"Bye." I said. Ako na ang pumutol ng tawag dahil kung hindi ko gagawin iyon, mas lalong magwawala ang isip ko dahil sa tuwing nakakausap ko siya, wala akong mahagilap na salitang sasabihin ko. Masyadong abala ang isip ko tungkol sa kanya.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon