CHAPTER 21

534 12 5
                                    

Luna


"Kailan ka aalis?" tanong ni Edison.

Kasalukuyan kaming nasa library ngayon habang gumagawa ng assignment na ipapasa na mamayang hapon. As usual, magkakasama na naman kaming apat.

"Ngayong katapusan ng buwan, Ed." Sagot ko.

Tumangu-tango siya. Si Mitch at Karen ay kasalukuyang nasa mga book shelves habang naghahanap ng mga librong pwede naming magamit sa pagre-research ng sagot sa assignment habang kami naman ni Edison ang kumukopya no'n sa papel.

"Nga pala, Luna. Nilapitan ako ni Sir Migs kanina. May ipinapaabot siya sa akin. Ibigay ko raw sa'yo." Sandali niyang kinalkal ang backpack niya bago niya inabot sa akin ang isang puting sobre.

Nangungunot man ang noo ko ay dahan-dahan ko iyong tinanggap sa kanya. May nakasulat sa harap ng sobre na 'To: Luna'. Marahan kong pinilas ang dulo ng sobre hanggang sa may lumitaw na iilang papel din. Mukhang mga forms 'yon.

Hinugot ko iyon mula sa loob ng sobre at saka binasa ang nilalaman. Namilog ang mga mata ko sa aking nabasa.

I got accepted in the scholarship program under the University Chorale Group!

Umaapaw ang saya at excitement sa akin nang mabasa ko ang magandang balita na hindi ko namalayang nakakagawa na pala ako ng ingay sa loob ng library. Kahit si Edison ay marahan akong tinampal sa braso para sawayin.

"Huy! Kumalma ka! Marinig ka nong librarian!" bulalas niya.

I stopped myself from shrieking and giggling but I still can't contain the happiness I am feeling right now. Ni hindi natanggal ang maluwang na ngiti sa mukha ko.

Pagkatapos ng huling klase ko sa hapon ay humiwalay muna ako sa mga kaibigan ko para pumunta sa Cashier's Office. Aabangan ko ang paglabas ni Migs para magpasalamat sa pagrekomenda sa akin na makakuha ng scholarship.

Umupo ako sa gag chair malapit sa pintuan ng opisina nila. Matiyaga ko siyang hinintay roon. It's only four thirty in the afternoon. Ibig sabihin, may thirty minutes pa akong maghihintay bago siya mag-out.

I took my phone and killed my time browsing my Facebook account. I took a selfie and posted it with a heart emoticon as its caption. I also texted Martin about the good news but... he didn't reply.

Sabagay, bumisita naman siya last week dito. Hindi nga lang siya nagtagal dahil pagkatapos naming kumain sa labas at ihatid ako pauwi sa amin ay nagpaalam na rin siya. He barely texted me after that. Ang tawag ay tuwing umaga, bago ako bumangon sa kama at gabi na lamang, kapag oras na ng pahinga.

I am trying my best to be selfless and understanding. Pero tao lang din ako, marunong mapagod at makaramdam ng lungkot sa tuwing nabibigo ako sa paghihintay sa kanya.

Kaya sinusubukan ko talaga na hindi masyadong umasa para hindi ako nalulungkot. Katulad ngayon, masaya kong ibinalita sa kanya na natanggap ako bilang scholar pero wala akong natanggap na inisyal na reaksyon.

I want to celebrate my little success with him. Dahil aaminin ko, simula nang makilala ko siya, I aim to be better little by little. Alam kong hindi ko mapapantayan ang estado niya sa buhay ng ganun-ganon lang. Kaya nagsisikap din akong maging magaling sa ibang larangan.

Tulad nitong pag-aaral ko. Hindi ako matalino sa eskwela noong high school pero pumapasa naman ako sa mga subjects ko. Pero ngayon, nagsisipag akong mag-aral ng husto dahil gusto ko ring makatapos at makahanap ng disenteng trabaho balang araw.

I am motivated to be a better person each day because of him... because I love him.

I smiled weakly after realizing my thoughts about him. Iyon ang nakakapagpabuhay ng pakiramdam ko sa tuwing nalulungkot ako kapag nangungulila ako sa kanya. Ang isiping mahal ko siya.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon