CHAPTER 5

893 15 1
                                    

Luna


We were in the bar already. This is our last night. Ang sabi ni Jigo, madaling araw kami aalis bukas. Probably, 4-5 AM. Okay na rin iyon. Dahil kailangan ko nang umuwi para kay Mama.

Martin texted me, too. Pupunta siya mamaya para sa last performance namin dito sa bar. Mas ginaganahan akong magperform dahil manonood siya ngayon. Tutugtog pa ako ng gitara while singing! Hindi ko madalas gawin iyon pero ngayong gabi, I'll be doing my best.

Jigo and I will end the gig with a duet. Ako ang namili ng kanta. Ayaw niya 'yon no'ng una pero nang mai-rehearse namin, nagustuhan na rin niya

And for the first time, Jigo will sing the introductory songs. It's refreshing. Nakikita ko sa mga babaeng narito na siya ang inaabangan lagi kahit nagda-drums lang siya noong mga nakaraang araw. At nang kumanta nga siya kagabi, mas napatunayan ko na sa aming lahat, siya nga ang apple of the eye nila.

He sang I'll Be by Edwin McCain. Tinugtog nila Chad na acoustic. Ang ganda ng kinalabasan!

Tinabihan ko si Migs. "Look at Jigo, Migs, and look at the girls. They are very attentive at his performance."

Bahagya siyang natawa. "Selos ka ba?"

My brows furrowed. "Of course not!"

Jigo is wearing an all-black v – neck t-shirt. His muscles are in place kaya hakab ang t-shirt sa kanyang katawan. It was paired with faded blue jeans at black boots. Tanging dog tag at wristwatch na kulay itim ang palamuti niya sa katawan.

Rakistang tingnan. Tapos gwapo pa, magaling kumanta at magaling mag-drums. Almost perfect na. Maswerte ang babaeng mamahalin ng lalaking 'to.

"I'll be your crying shoulder

I'll be love's suicide

And I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life"

Habang kumakanta si Jigo ay iginala ko ang aking mga mata para hanapin si Martin. Sinuyod ng paningin ko ang mga tables, exclusive sofas, ang 2nd floor, at ang bar counter pero wala siya.

"Nasaan kaya 'yon?" I murmured.

"Sino'ng hinahanap mo?" Ani Migs.

"W-wala!" sagot ko.

Nang matapos siya sa unang kanta, diretso silang bumanat para sa pangalawang kanta. Pero kinuha niya ang acoustic guitar kay Chad at umupo sa high chair.

May humiyaw na grupo ng babae sa exclusive sofa.

"Ang gwapo!" they cheered.

Humalakhak ako sa reaksyon ng mga babae. Ang herodes, kumaway pa sa grupo na iyon kaya mas lalong kinilig ang mga girls.

"Mga kerengkeng!" I commented.

Siniko ako ni Migs. "Hindi ka ba talaga nagseselos sa mga 'yan?"

Natawa ako. "Hindi! Natutuwa nga ako sa mga reactions nila, oh!" at muli akong natawa.

Migs murmured. "Damn you, Jigs. You're better do something 'bout this."

"Bakit 'yon?" I asked him.

Tumuwid sa pagkakatayo si Migs. "Wala. Sabi ko ang bobo ni Jigo."

"Bakit?"

"Wala. Hayaan mo 'yon."

Nagkibit-balikat na lang ako. Hinanap ko na lang ulit si Martin. Unang tingin ko pa lang sa bar counter ay naroon na siya. He's wearing white button down polo na naka tuck-in sa kanyang maong pants. Brown leather shoes naman ang ipinares niya. Nahuli niya rin ang paningin ko kaya ngumiti ako ng maluwang sa kanya. Bahagya pa akong kumaway. My heart thumped when he waived back!

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon