CHAPTER 25

785 11 1
                                        

Luna


Masaya naming pinagsaluhan ang dinner matapos naming mag-usap dalawa ni Papa. Nagpapasalamat ako kay Martin dahil binigyan niya kami ng oras ni Papa para mapag-isa. Halos matapos na kaming mag-usap ni Papa nang pumasok sila kasama ang mga maghahanda para sa hapunan.

Papa introduced me to Kuya Aki. Compared to Papa, he's a bit tall with a good body built. Tulad ko ay natural na maputi ang kutis niya at kapansin-pansin ang peklat sa kaliwang bahagi ng noo niya na tantiya ko'y dalawang pulgada ang haba. Bahagya iyong natatakpan ng buhok niyang medyo may kahabaan.

Kung noon ay sabik akong magkaroon ng kapatid, ngayon ay nagkaroon pa ako ng dalawang kuya!

Pansin ko ang masiglang awra ni Papa habang kumakain. Ipinakilala ko siya kay Martin at Kuya Aki. Naging magaan naman ang pag-uusap nila, kung minsan ay nagtatawanan pa. Pero napansin ko ang pagiging tahimik ni Kuya Aki. Hindi siya sumasali sa usapan at kung tatanungin man ay sumasagot lamang ito ng maayos.

Baka hindi lang siguro siya makasunod sa usapan? Baka hindi masyadong nakakaintindi ng Ingles?

"Thank you for the opportunity to see my daughter, Mr. Villanueva. I will forever be grateful for this." Nakangiting sabi ni Papa habang pinagsasaluhan ang panghimagas na ngayon ay sini-serve ng waiter sa amin.

Tumango si Martin. "You can stay here in the hotel for as long as you want. Fred will be there to accommodate your needs."

Nakangiting tumango si Papa sabay baling sa akin bago ibinalik ang tingin sa kausap. "I still want to spend time---"

"Otou-san." Mariing putol sa kanya ni Kuya Aki.

Nilingon ni Papa si Kuya Aki na ngayon ay nakatingin na rin pala aking ama. Bumuntong-hininga ito at saka nagsalita sa lenggwahe nila.

Sinagot siya ni Kuya hanggang sa nagpalitan na sila ng mga salita. Hindi ko iyon maintindihan pero sa paraan ng sagutan nila'y parang nagtatalo silang dalawa.

"This is not we talked about." Ani Kuya Aki.

Tumaas ang kilay ko at mabilis siyang nilingon. Marunong pala siyang mag-Ingles. Naramdaman ko ang paghawak ni Martin sa kaliwang kamay ko kaya ko siya nilingon.

He nodded and gave me a reassuring smile. Nalilito man ako sa takbo ng usapan ay nakinig pa rin ako. I waited my father to speak with me again.

Muli silang nag-usap ngunit nang sumagot si Kuya ay hindi na muling nakapagsalita ang Papa ko. Hanggang sa muli siyang bumuga ng hangin at dahan-dahang bumaling sa akin. Sinalubong ko ang kanyang tingin ng isang matamis na ngiti.

"We have to return to Japan immediately. But don't worry, I promise to keep in touch with you from now on." Nakangiting sabi niya.

Naalarma ako dahil pakiramdam ko ay magpapaalam na ulit siya. "Ibibigay ko po ang numero ko. P-pero 'Pa, nandito pa ako hanggang bukas ng gabi. We can still spend time together." At saka ako bumaling kay Martin. "Di ba, Martin? Pwede naman iyon, di ba?"

Bahagyang humigpit ang pagkakahawak ni Martin sa aking kamay dahilan ng paglipat ng tingin ko roon. Nang muli ko siyang tingnan ay malamig ang tinging ipinukol niya sa direksyon ni Kuya Aki.

Muling nagsalita si Papa. "May trabaho. Ako at kapatid mo." Aniya.

Mukhang wala na rin akong magagawa kahit tumutol ako o humingi ng isa pang araw para makasama sila dahil buo na ang pasya nilang bumalik sa kanila.

"Are you sure about this, Mr. Inoue? We can have some arrangements for your flight---" saad ni Martin ngunit pinutol siya ni Kuya Aki.

"As much as my father wants to be with his...daughter, we can't stay for another day here. He has to attend the restaurant and I have work to do." He said icily.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon