CHAPTER 19

715 13 1
                                        

Luna


Whole day ang orientation namin. Isa-isa nilang ni-discuss sa amin ang mga rules and regulations ng eskwelahan. Ipinakilala rin sa amin ang mga empleyado na naroon. Kahit si Migs ay ipinakilala sa amin. Isa siya sa mga nagsalita at tumalakay tungkol sa pagbabayad ng tuition fees and other school fees. Oo nga pala, sa Cashier's Office pala kasi siya nagta-trabaho.

Bago pa kami nag-lunch break ay tumugtog pa ang mga seniors namin. Banda rin sila na puro kalalakihan. Pero ang ikinagulat ko ay si Migs ang vocalist.

Sa dinami-dami ng mga estudyanteng naroon, nagtama pa rin ang mga mata namin. He winked at me and smiled widely. Ako naman ay lumabi dahil sa style niyang 'yon.

"Ang gwapo! Ano na namang pangalan no'n?" bulalas ni Karen. Mukhang hindi ito nakinig kanina nang ipinakilala siya ah.

They're enjoying the performance of the band in the stage. Or rather...enjoying watching the performers.

"Si Migs 'yang kumakanta." Sagot ko sa kanila.

Tumili ulit si Karen nang kantahin ni Migs ang chorus.

"Kilala mo 'yong bokalista?" excited na tanong ni Mitch.

Tumango ako. "Oo. Ipapakilala ko kayo mamaya." Sabi ko.

Ganoon nga ang nangyari. Pagkatapos kaming i-dismiss para mag-lunch, halos sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante para makalabas sa gym. Niyaya ako nila Edison na sumama na sa kanila sa lunch. We were almost at the main door of the gym when someone called me.

Nilinga-linga ko pa kung saan nanggagaling ang boses na iyon. I know that it's Migs pero sa dami ng estudyanteng palabas ng gym, hindi ko agad siya napansin.

"Ayun siya!" Turo ni Karen sa akin habang nakangiti at nagpipigil ng kilig.

Natawa ako sa nakita ko. Sabagay, sino ba naman ang hindi kikiligin sa lalaking ito? Tulad ng mga kasama namin sa banda, gwapo rin si Miguel. Pero sa kanilang lahat, siya ang may pinaka-maamo ang itsura. Hindi katulad ni Jigs, Chad at Zion, mga mukhang bad boy na manyakis!

Nang makalapit si Migs ay tiningnan niya ang mga kasama ko. Bahagyang nangunot ang kanyang noo nang mapansin ang pananahimik ko habang ang isang kasama ko ay parang mahihimatay na sa kilig habang hinahampas si Edison.

Isa-isa ko silang ipinakilala kay Migs. They're polite at him. Migs even offered a handshake to them. Nang mahawakan ni Karen ang kanyang kamay ay nagtawanan pa kami dahil hindi na niya napigilan ang kilig na nararamdaman niya simula ng makita niya ito sa stage.

"Sir! Ang gwapo-gwapo mo! Ang galing mo pang kumanta!" Then Karen shrieked.

Migs laughed at her. Sumama na rin siya sa amin sa canteen para mag-lunch. He became our instant tour guide. Kinuwento niya sa amin kung saan ang pwedeng tumambay kapag vacant period namin, kung saan pwedeng magpa-photocopy nang hindi na kailangang lumabas pa sa school premises, at marami pang iba. Itong canteen na kinakainan din namin ngayon ay mura at marami ang serving kaya ito ang inirekomenda niya sa amin.

Nang mag-umpisa ang afternoon program, magalang na nagpaalam sa amin si Miguel. Kailangan na raw niyang bumalik sa opisina nila.

"Bye, Sir!" Magalang na paalam ng mga kasama ko.

"Nice meeting you, Sir Migs!" dagdag pa nila.

Ngumiti rin siya sa kanila. "Ako rin. See you around!" at bumaling siya sa akin. "Bye, Luna."

Ngumisi ako at itinaas ko ang isang kilay ko. "Good bye, Sir Migs." I said mockingly.

He smirked, too, bago umiling. "Try harder." At tuluyan na kaming tinalikuran.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon