CHAPTER 33

962 21 10
                                        

Luna

Ilang araw akong nagmukmok matapos kong nalaman ang panloloko sa akin ni Jigo. Hindi ko matanggap na kaya niyang gawin sa akin 'yon. Sa mga panahong halos hindi ko na kayang magtiwala sa iba, sa kanya lang ako naniwala.

Where did I go wrong? I was a faithful and loyal partner. I never thought of cheating on him because I know what it's felt to be cheated. I may not be perfect but I'm trying my best to be one. And honestly, I may not love him so deeply but God knows how I tried my best to show to him how important he is to me.

Ano ba ang basehan ng matibay na relasyon? Sex? I may not be able to provide it for him now but we'll do that eventually when everything fall into places.

After that incident, I immediately resigned from work. Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng management. Hindi na rin ako nag-render ng extension dahil hindi ko na kayang makita si Jigo araw-araw.

I felt betrayed, insulted, and broken at the same time. Sa tuwing naiisip kong kayang-kaya ng ibang tao na saktan ako, mas lalo kong nare-realize kung gaano ako kahina.

I can't live like this. I have to do something. I can't swallow all the pain anymore.

I acknowledged the pain they inflicted on me. Iniisip ko, hindi ko ito makakalimutan kung hindi ko ito tatanggapin. Hinayaan ko ang sarili kong damhin ang bawat hagupit ng sakit dahil alam ko, kung pipilitin ko itong takasan, darating ang araw na babalikan ako nito at sisirain kung anuman ang meron ako sa kasalukuyan.

Nang harapin ko si Jigo, he looked wasted. He didn't bother to groom himself, too. Araw-araw siyang pumupunta rito ng lasing. Minsan ay napaaway pa sa labas ng bahay dahil sa sobrang kalasingan. Nagwawala siya kapag hindi ko siya hinaharap at kung hindi ko sinasagot ang mga text o tawag niya.

He wants me back but I am not sure if I can still accept him.

Bisperas ng pasko, mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. Namili lang ako ng ibang maluluto para sa Noche Buena. Nang matapos akong magluto ay gumayak na ako para um-attend ng misa.

Hindi nagpunta ngayong araw si Jigo sa bahay. I felt at peace. Baka na-realize niya ring wala ng patutunguhan ang mga ginagawa niya.

Umuwi rin ako pagkatapos ng misa de gallo. Malamig ang simoy ng hangin paglabas ko sa simbahan. Kitang-kita ko ang saya sa bawat ngiti at halakhak ng mag-anak habang nagpi-picture taking sila sa gilid, sa bawat init ng yakap na pinagsasaluhan. Lahat. Nakakatuwang pagmasdan.

Bago ako makalabas sa compound ng cathedral, nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na itim na sasakyan na nakapark sa parking area. Hindi ito katulad ng ibang sasakyan na madalas makita rito sa kalsada ng siyudad at...may kilala akong isang taong nagmamay-ari lamang ng ganitong klase.

Agad pumasok sa isip ko na baka narito siya. After all, mayroon din silang opisina rito sa lalawigan. Kaya hindi ako magtataka kung makita ko man siya rito ng hindi sinasadya.

Ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Halos apat na buwan rin.

Pero...bakit hinahanap ko pa siya? Ako ang unang nagtaboy sa kanya 'di ba?

I shook my head. Maybe I should stop thinking about it. Tama na muna 'yong huling lugmok ko. I have to focus on myself first, heal myself first.

Nilakad ko na rin pauwi ng bahay. Malamig naman ang panahon at mapagod man ako, hindi ko iyon mararamdaman. I started to think that maybe, I can accept Kuya Aki's offer to me to live with them in Japan. Maganda rin iyon dahil naroon ang pamilya ko. Pwede rin akong maghanap ng trabaho roon para makatulong sa kanila at makapag-ipon.

I celebrated Christmas and New Year alone. Though, Papa and my two brothers constantly calling me. Sila ang naging inspirasyon ko para magpatuloy at magpursige lalo sa buhay. I told them my plans of going to Japan and they were very happy to know it. Sinabi ni Kuya Ronin na simulan ko na ring asikasuhin ang mga papeles ko para mas mapabilis na ang proseso ng pagkuha nila sa akin. But I told them that I have to finish my studies here, na hindi naman nila tinutulan

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon