Luna
Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama dahil sa matinding pagod. It's already 4:30 in the morning. Kauuwi ko galing sa resto-bar. Kasasara lang namin kani-kanina lang dahil kumpara sa ilang linggong nagdaan, dumodoble ang mga customers dahil peak season ngayon.
Ganito na ang naging gawain ko simula nang tumira ako rito sa Japan. Tinulungan ko si Papa sa pagpapatakbo ng negosyo niya. Ang mga kuya ko ay nagpatuloy sa pagtatrabaho sa isang malaking kumpanya ng mga sasakyan. They supported and thought me everything I should learn in my new home.
I am still struggling in learning how to speak and understand Nihonggo. Naaalala ko noong minsang nainis na sa akin si Kuya Aki, kapag may tutorial sessions kami ay lagi siyang may dalang maliit na stick, pamalo niya sa palad ko kapag nagkakamali ako.
"Aray!" daing ko nang lumanding ang stick sa palad ko.
Inis siyang nagsalita na hindi ko naman maintindihan. Kanina pa kami nag-aaral pero halos hindi ko masundan ang itinuturo niya. Nauuna ang kaba ko dahil nerbyoso siyang magturo. Kaya kung minsan, nagsasalitan silang tatlo para turuan ako.
I already know the basics, like counting numbers, naming things, and basic greetings. Kaso kapag kinakausap na ako sa lenggwahe nila, para na akong natuod dahil hindi ko na masundan.
Kaya madalas, English ang lagi kong ginagamit sa tuwing nakikipag-usap ako. O madalas, si Papa ang nagiging gabay ko.
Isa rin iyon sa mga rason kung bakit hindi ako masyadong nakikipag-usap sa mga locals. Hirap ako sa pagbuo ng simpleng conversation. Puro greetings lang ang alam ko. Hindi ko rin naman pwedeng isama lagi si Papa kung saan man ako magpunta dahil na rin sa katandaan.
But in the long run, kahit hirap akong makisalamuha, masaya ako rito. I love my new home. The bright lights in the city, the people around me, at higit sa lahat, ang unti-unti kong pagbangon. Maganda ang takbo ng trabaho ko rito dahil lumalago ang negosyo, at nakakapag-ipon na rin ako kahit papaano.
Nagbago na rin ang itsura ko. Mula sa ayos at kulay ng buhok, sa pananamit, hanggang sa pangangatawan. Hindi kung late bloomer ba ako pero ang sabi ng ilan ay bahagya akong tumangkad at nagkalaman.
I even saw Migs one time in the busy streets of Shibuya Crossing. Winter na noong mga panahon na iyon. Mag-isa kong binabagtas ang kalsada kasabay ng maraming tao nang mapansin ko ang isang pamilyar na mukha.
Suddenly, bumagal ang paglakad ko para makumpirma kung siya nga itong nakikita ko. Isang grupo sila ng mga kalalakihan, may ilang kababaihan din. Hindi ako kaagad nakapagsalita sa tuwa dahil sa halos isa't kalahating taon ko rito sa Tokyo, ngayon lang ulit ako nakakita ng dating kaibigan.
"Miguel?" tawag ko sa kanya nang halos lampasan niya ako sa kinatatayuan ko.
Agad siyang lumingon sa akin. Nangunot pa ang noo niya, tila kinikilala kung sino ang nasa harap niya. Umirap ako sa kanya habang nangingiti. Kahit umuulan ng niyebe at nangangatog ako sag inaw ay inalis ko ang beanie hat ko.
Lalong lumuwang ang ngiti ko nang umaliwalas ang mukha niya! Nakilala na niya ako! Sa sobrang galak at excitement ko na nakita siya, mahigpit ko siyang niyakap nang makalapit na siya sa akin.
"Oh my gosh, Migs! Long time, no see!" I shrieked out.
Tinanggap niya ang mga bisig ko at mahigpit rin ang pagkakayakap niya. I can even feel his excitement, too. Kung hindi lang kami nasa daan at patapos na ang oras sa pagtawid, hindi pa kami bumitaw sa isa't-isa.
Imbes na tumuloy ako sa kabilang lane, I decided to go with him. Nasa gilid na kami ng daan nang magsalita siya.
"You changed a lot, Luna!" he blurted. Kitang-kita sa mukha niya ang matinding gulat at mangha.
BINABASA MO ANG
Sing for Me, Love
RomanceLumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para matugunan ang pangangailangan nila ng kanyang ina at para siya'y makapag-aral. Sumaside-line siya bi...