CHAPTER 31

573 10 5
                                    

Luna


Jigo:

I'm sorry, babe. Medyo busy ako sa store ngayon. Pupuntahan na lang kita mamaya. I'll call you instead.

Napanguso ako sa text ni Jigo. Late ko na rin iyong nabasa dahil inabangan ko siya sa labas. Madalas kasing hindi na iyon nagre-reply sa akin kapag niyayaya ko siyang bumisita rito sa bahay. Magugulat na lamang ako na nariyan na siya sa harap ng bahay; nakangiti habang may dalang pagkain para sa aming dalawa.

Sabagay, it's holiday season. Marami ang bumibili kaya hindi na ako magtataka kung sabihin man nga niya sa aking abala siya ngayon sa supermarket.

Nataon nga lang na day-off ko nang araw na 'yon kaya wala ako roon.

Ano kaya kung bisitahin ko siya roon?

Nagtipa ako ng reply sa kanya habang nagsisimula na akong mag-plano sa gagawin kong pagbisita.

Ako:

Okay babe. Mag-iingat ka.

Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili, lumabas na ako sa bahay para pumunta sa Mcdo. I bought 2 cheeseburgers and 2 coke float bago ako dumiretso sa opisina niya. I was positive that he'll be surprised by my sudden visit. Yayayain ko lang siyang mag-meryenda pagkatapos ay uuwi na rin ako para hindi siya masyadong maabala.

Pagpasok ko sa supermarket, bahagyang nangunot ang noo ko dahil hindi naman ganoon ka-busy ngayon. Maraming bumibili sa kanila but this day is just a normal day.

I just shrugged my shoulders and went straight to his office.

Akma kong pipihitin ang door knob ng opisina ni Jigo nang makasalubong ko ang assistant manager na si Mr. Alfeche. Magalang akong bumati sa kanya.

"Hi Sir Dante!"

Nanlalaki ang mga mata ni Sir Dante ng makita niya ako. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang naging reaksyon niya, gulat na gulat at parang nakakita ng multo.

"B-ba't nandito ka, Luna? Day off m-mo 'diba?" nauutal na sabi niya.

Nalilito man sa kilos niya sinagot ko pa rin siya ng maayos.

"Susurpresahin ko sana si Jigo, Sir." Nakangiting sagot ko sa kanya. Napansin ko bigla ang pag-iwas ng tingin niya sa akin. "Sir, okay ka lang ba?" dagdag ko.

"Ah! O-oo naman." Alanganin din siyang ngumiti sa akin. "Umalis na si Jigo p-pero..." nabitin ang kanyang sasabihin nang mag-ring ang cellphone niya. It was as if his mind was redeemed from his unfocused talking with me when it rang.

"Mauna na ako, Luna." Paalam niya sa akin. Hindi na niya hinintay ang tugon ko at iniwan na ako sa kinatatayuan ko. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makalayo na siya.

It's kinda weird, huh?

Binalewala ko na lang ang naging usapan namin. I sighed. Wala naman pala siya rito. Naisip kong baka nasa kabilang branch siya. Medyo may kalayuan 'yon sa city proper kaya hindi ko na binalak ang puntahan siya.

Talagang busy lang siguro. Hihintayin ko na lang siya sa

Nilisan ko ang opisina niya at dumiretso na sa pharmacy section. Nadatnan ko si Karla at si Ma'am Agnes na nakaupo malapit sa cash register.

"Magandang hapon po!" bati ko sa kanya.

Kahit sila ay nagulat sa pagpunta ko. Pumasok ako roon at saka sila nilapitan.

"Oh, ba't nandito ka?" ani Karla.

Nagkibit balikat ako at saka inilapag sa maliit na counter ang biniling meryenda sana namin ni Jigo.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon