Luna
Tanghali na pala. Mataas na ang sikat ng araw. Ang sarap sa pakiramdam na makabawi ng tulog sa ilang gabing pagpupuyat dahil sa gigs. I feel energized. Nang lumabas ako sa kwarto ko'y napangiwi't napakamot na lang ako ng ulo. Mga basyo ng alak at plastic ng pulutan ang bumungad sa araw ko.
Pinagmasdan ko si Mama. Nakadapa siyang nakahiga sa lumang sofa namin. Malalim pa ang tulog dahil sa sobrang kalasingan. Hatinggabi na ako nakauwi kanina pero nakita ko pa siyang nagiinom sa sala habang nanonood ng TV. Gusto ko man siyang pigilan ay ayaw ko namang humantong lang kami ulit sa pag-aaway.
Sininop ko ang mga basyo ng gin, mga plastic, pitsel, at baso sa lamesita. Dinala ko iyon sa kusina. Ang mga plastic ay diretso ko nang itinapon sa basurahan. Pumasok ako sa banyo para maglinis nang sarili. Nang matapos ako ay muli akong pumasok sa kwarto para magbihis. Mamamalengke ako para may stocks kami rito sa bahay. Medyo malaki-laki naman ang kinita ko sa ilang gabi.
Kinuha ko ang aking wallet at inilabas ang perang naroon. Binilang ko iyon. Tumataginting ng P3, 500.00! Ayos! Itinabi ko ang two thousand para sa aking ipon. Ide-deposito ko ito sa bangko mamaya. 'yung natira ay ipambibili ko nang pagkain namin para sa ilang araw. Hindi ko rin kasi gusto ang ideya na magtago ng medyo malaking extra cash sa wallet ko dahil kapag nalalaman ni Mama na may pera pa akong natitira, humihingi siya sa akin para sa bisyo niya.
"Hoy Luna! Hindi porke't nagta-trabaho ka na ay pagdadamutan mo ako kapag humihingi ako para sa mga kapritso ko! Ito na nga lang ang inuungot ko sa'yo, hindi mo pa ako mapagbigyan? Aba! Ako ang bumuhay sa'yo nung bata ka kaya dapat lang na magbalik ka naman sa akin ng pinaghirapan ko!" malakas na palatak niya. Kapag ganito na ang entrada ng kanyang mga salita sa akin ay alam ko na kung saan ang kahahantungan ng usapan.
Kung may pera, pagbibigyan ko. Kung wala, konsensya-gaming na naman.
Kung hindi ko naman siya bibigyan ay aawayin niya ako, bubungangaan hanggang sa magsawa. Lalabas na lang siya ng bahay at pag-uwi ay may dala nang bote ng gin at ilang pirasong chichirya. Ganoon siya lagi kapag naa-alala si Papa. Ewan ko ba sa kanya, naka-move on na lahat ng tao sa paligid niya pero siya ay namimighati pa rin. Kahit nga ako ay hindi na umaasang babalikan pa kami ng tatay ko. Sa labing pitong taon kong nabubuhay sa mundo, ni minsan ay hindi ko pa nakikita ni ang anino niya. Tanging sa picture ko lang siya nakita, nakangiti siya habang karga niya ako. Tingin ko'y nasa siyam na buwan pa lang ako noon dahil ayon sa kwento ni Mama, wala pa akong isang taon nang umalis si Papa para raw bumalik sa Japan at magtrabaho.
Pero tumuntong na ako sa ganitong edad ay ni minsan, hindi ko siya nakitang binalikan niya kami.
Sinuklay ko ang aking buhok. Natural na maalon iyon, minana ko kay Mama. Maliban doon ay kay Papa ko lahat namana ang physical appearance ko. Kahit ang aking height ay hindi ko pinalampas. Kay Papa ko rin nakuha iyon! Mas matangkad kasi si Mama kumpara sa kanya. Kaya madalas ay pinagkakamalan akong bata pa kahit halos dalaga na ang edad ko.
Ah! May isa pa pala akong namana sa kanya, ang galing ko sa pag-awit. Hindi ako nagbubuhat ng sariling bangko pero ito ang naging puhunan ko para kumita. Pero hindi ko gustong gawin itong full time na trabaho. Gusto ko pa rin magtrabaho sa mga big time na kumpanya. Pwedeng sekretarya. Kahit ano, basta 'yung pang corporate ang datingan.
Lumabas ako sa kwarto bitbit ang maliit na wallet at kinuha ang payong na nakasabit sa likod ng pintuan namin. Naroon pa rin si Mama pero nakatagilid na ang pwesto niyang matulog, marahil ay naalimpungatan dahil sa mga kaluskos ko kanina. Marahan ko siyang niyugyog para magpaalam.
"Ma, punta lang po ako sa palengke." Paalam ko sa kanya.
Umungol siya ng maramdaman niya ang hawak ko sa kanyang braso. Iminulat lang niya sandali ang kanyang mga mata bago pumikit ulit at ipinagpatuloy ang matulog.
BINABASA MO ANG
Sing for Me, Love
RomanceLumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para matugunan ang pangangailangan nila ng kanyang ina at para siya'y makapag-aral. Sumaside-line siya bi...