CHAPTER 2

1K 19 1
                                    

Luna


"Magaling ang banda ninyo. Lalo na ikaw saka 'yong kasama mong babaeng bokalista." Narinig kong sinabi ng Bar Manager kay Migs at Jigo. Nasa bar pa rin kami pero ang ilang kasama namin ay umalis na. Lumapit lang ako sa dalawang ito dahil hindi ako naging kumportable kanina sa lalaking tumabi sa akin.

"Thank you, po." Magalang na pagkakasabi ni Migs.

"Kayo ang napili namin sa inyong tatlo. May exclusive events kasi kami dito sa resort. Kayo na ang napili naming magpe-perform for the whole duration ng event. So start na kayo tomorrow night at 8PM? Okay?" Aniya.

"Yes, Sir. No problem." Si Jigo.

Nang umalis ang manager, binalingan ako ng dalawang kasama ko.

"Mag-rehearse ulit tayo bukas after lunch. Sa umaga tayo bumawi ng pahinga dahil hanggang hatinggabi tayo magpe-perform. Luna, alagaan mo ang boses mo. Wala kang substitute kung sakaling mamaos ka." Migs said.

I shrugged my shoulders. "Walang problema sa akin."

After we talked, nagkanya-kanya na kami. Pabalik na ako sa kabilang building kung nasaan ang kwarto ko nang may humawak sa palapulsuhan ko. When I turned to see who it was, I was horrified when I saw an old man who seems drunk based on his actuations.

"Hi there, beautiful. I saw you singing at the bar a while ago. Care to join me?" itinaas niya ang kanyang basong may lamag alak and he started dragging me back in the hallway.

"S-sir, babalik na po ako sa kwarto ko." Natataranta kong tinuran. Luminga-linga ako pero wala akong makitang ibang tao na pwede kong hingan ng tulong.

"Oh, maybe your room's better?" Ngising-demonyo ang nakita ko sa kanyang mukha.

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang narinig. Naiiyak na ako sa takot pero hindi ko magawang sumigaw. Luminga-linga pa rin ako sa paligid. Hindi ako sumukong baka may makakita sa amin para makahingi ako ng tulong.

The old man is very persistent in bringing me somewhere isolated. Nang marating namin ang harap ng elevator, bigla itong bumukas at iniluwa nito ang isang lalaking matangkad. Siya iyong lumapit sa akin kanina sa bar counter.

I looked at him with my eyes pleading. Humakbang siya sa amin habang nakapamulsa at mariing tinignan ang kamay ng lalaking nakahawak sa akin. His jaw clenched. He looked at me and I gulped. I can see his fuming stares at ibinaling niya ang kanyang tingin sa lalaking namimilit sa akin.

"M-Mr. Villanueva. What a pleasant surprise!" bati nito sa lalaking dumating.

"Take your hands off her, Mr. Torres." Pati ang boses niya'y may bahid ng galit at pagkairita.

Buong lakas kong hinila ang kamay ko sa lalaking nakahawak sa akin. At sa hindi ko maintindihang rason, lumapit at yumakap ako sa kanya. I felt him stiffened. He glanced at me and put his arms around my waist. Ako naman ngayon ang natigilan.

"Y-you know her? She was in the bar a while ago. She was---"

"She's my girl, Mr. Torres. And I don't like what I saw a while back." He said dangerously. Nagulat ako sa sinabi niya. Humigpit ang pagkakahapit niya sa akin pero hindi ako makapalag dahil kailangan kong makalayo sa matandang kausap niya.

Pero... paano kung pareho lang sila ng isang ito?

Natataranta na ang lalaki sa narinig niya. "I-I didn't know that. I-I'm sorry. I hope this will not affect our business matters, Martin."

He just smirked evilly at iginiya niya na ako palabas. "Let's go, love."

Tumangu-tango ako at nagpatianod na sa acting-an naming dalawa. Nakalabas na kaming dalawa sa lobby nang lumingon ako sa direksyong pinanggalingan namin. Wala na roon ang matanda.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon