CHAPTER 4

1.2K 24 1
                                        

Luna

Nang marating namin ni Jigo ang hotel room ko, marahas kong binawi sa kanya ang braso ko. He just heaved a sigh.

"Jigo, ano'ng problema mo? Bakit naman ganoon ang inasta mo sa harap ng kasama ko?" I asked him furiously.

Nakakahiya kay Martin. Wala naman siyang masamang ginagawa sa akin kundi ang ihatid lang ako rito sa kwarto ko.

Itinuro niya ang direksyong pinanggalingan namin. "Bakit sumasama ka sa taong kakakilala mo lang? Paano kung may gawing masama sa'yo 'yon?" May bahid ng galit ang boses niya.

Sinapo ko ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos niya noong mga nakaraang araw, lalo na ngayon.

"Sasama ba ako roon sa tao kung alam kong may masamang balak 'yon sa'kin? Saka... Ano ba'ng pakealam mo kung sumasama ako sa kanya?" naiinis kong tanong sa kanya.

Nagtangis ang kanyang mga bagang sa tanong ko. Pati ang paghinga niya ay lumalalim rin.

I crossed my arms and raised my brows. Hindi na siya nakasagot. Akma na akong papasok sa loob ng hotel room ko pero pinigilan niya ako sa aking braso. Masuyo niya akong hinawakan at hinila paharap sa kanya.

"I'm sorry. Naga-alala lang naman ako sa'yo." Mababa na ngayon ang boses niya. Para niya akong inaamo.

"Alam mo Jigo, kung hindi lang talaga kita kilala, iisiping kong nagseselos ka." Sabi ko. I heard him sigh again. Binawi ko rin ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak.

"Pumasok ka na sa kwarto mo."

He looked defeated. Hindi ito ang nakasanayan kong makita sa kanya. Ang Jigo na kilala ko, maangas ang dating, mayabang ang awra, at suplado ang hitsura.

"Salamat sa paghatid." 'yan lang ang mga nasambit ko. Iniwan ko na siya roon at pumasok na sa aking kwarto.

Nang makapag-ayos na ako ng aking sarili, I readied myself to sleep. I checked my phone again to see if there are texts or calls that I haven't answered. Nakatawag pa ako kay Mama bago kami tumugtog kanina kaso hindi ko siya makausap ng maayos dahil mukhang lasing na naman siya.

Inilipag ko na ang cellphone ko sa ulunan ko para matulog na nang bigla itong mag-ring. I checked the wall clock. It's almost 1 in the morning. I checked my phone at unregistered ang number na tumatawag.

I answered the call. "Hello?"

Walang sumasagot pero naririnig ko ang paghinga ng tumawag sa kabilang linya.

"Hello?" ulit ko.

"Hi... Did I wake you up?" I heard a familiar voice on the phone.

"Patulog pa lang. Sino ito?" tanong ko.

"This is Martin." He answered.

Kaya pala pamilyar ang boses. But I can't remember giving him my number.

"Saan mo nakuha ang number ko?" I asked.

"I have my ways. Are you mad?"

Natigilan ako sa kanya. Hindi ko alam na kayang niyang gawin iyon. I suddenly remembered Jigo's words.

"Nagtataka lang ako dahil hindi ko naman ibinigay iyon sa'yo." I said.

"So you are mad." I heard is low baritone voice.

Galit nga ba ako? Bakit hindi ko iyon maramdaman?

"I'm sorry. I'll end this call now." He uttered again.

Nataranta na ako sa sinabi niya. Gusto kong pabulaanan iyon.

"H-hindi naman ako galit. Nagtataka lang."

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon