CHAPTER 17

807 14 1
                                        

Luna


Wala na ring nagawa ni Martin nang mag-desisyon akong umuwi na sa amin kahit na may usapan kaming magse-celebrate ng birthday ko ngayon. Hindi ko man sinabi sa kanya ang tunay kong rason, may kutob akong may alam na siya sa nangyari kay Mama. Nadatnan ko pa siyang kausap ang sekretarya niyang si Ma'am Liza sa cellphone pagkatapos kong ayusin at hugasan ang pinagkainan namin sa kusina.

"Settle everything, Liza. I want her out within the day." Aniya. Wala siyang kamalay-malay na nasa likuran na niya ako habang nakapamaywang siyang nakikipag-usap sa kabilang linya.

Nang maibaba niya ang tawag ay agad ko siyang tinanong.

"Sino ang kausap mo?" marahan kong tanong sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at saka bumuntong hininga. "Let me settle everything, Luna. Please, I want to help you."

He didn't sugarcoat his answer. Iniisip niya sigurong tatanggihan ko ulit ang tulong na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa ilang pagkakataon na nangailangan nga ako ay pilit kong tinanggihan iyon.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking siko.

"Hayaan mong ako na ang umayos. Kung ikaw pa ang magbabayad ng piyansa, mauubos ang ipon mo." Katwiran niya.

I suddenly realized that he's right. Ang inipon kong pera ay para sa pag-aaral ko. Kung gagamitin ko iyon pang-piyansa kay Mama, wala na akong gagamitin para sa mga susunod sa buwan. Wala rin namang kasiguraduhan kung magiging madalas ulit ang pagyaya sa akin sa mga gig.

I raised my brows and gave him an inverted smile. Ano pa nga bang magagawa ko? It's a big help for me, for us.

Kaso nahihiya ako sa ideyang sa tuwing nangangailangan ako ng tulong ay lagi siyang nandyan sa akin para saluhin iyon. I don't want him to think that I am taking advantage on our friendship.

Friendship? We're exclusive. But it does not guarantee that he'll take me full responsibility. He's not committed to me, gano'n din ako sa kanya.

"Salamat." Tanging nasabi ko.

He smiled at me. He came closer and poked my nose.

"Good girl."

We travelled by land. Hindi raw available ang private plane nila dahil gagamitin raw ng kuya niya pauwi sa lugar ng mapapangasawa niya. He said he could book a flight for us from a local airline but he didn't. Okay lang naman sa akin iyon. Pasalamat na lamang ako dahil makakauwi ako ng maayos at hindi na kailangang gumastos. Isa pa, may oras pa ako para makasama siya.

Kung wala lang talagang nangyari kay Mama ay baka papunta na kami sa lugar na papasyalan namin, eh.

Magkatabi kami ngayon sa loob ng kanyang sasakyan. Kasama namin ang driver niya. Sa mga unang oras ay tahimik lamang ako habang nagmamasid sa mga lugar na nadadaanan namin. May mga pagkakataong sinasabayan ko ang mga kanta na naka-play sa radyo.

Narinig ko ang panaka-nakang pagtikhim ni Martin. Sa tuwing gagalaw siya o magsasalita ay agad akong napapalingon. Kapag nagtatama ang aming mga mata ay awtomatiko akong napapangiti sa kanya. Hindi iyon pilit but it's awkward.

Palagay ko'y wala na kami sa Maynila. Nabasa ko sa mga ilang establisyimento na nasa isang probinsya na kami. I was busy looking and enjoying what I see from the outside when I felt Martin's hand on mine.

I stiffened but was able to compose myself. Nilingon ko ulit siya at nadatnan kong nakatingin lamang siya sa kabilang bintana. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin. Tumaas ang isang kilay ko. He wanted us to hold hands.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon