CHAPTER 23

689 10 1
                                        

Luna


Naging abala ako sa mga sumunod na araw. Pagkatapos kong um-attend sa orientation sa Mananawit, na kalaunan ay nagkaroon pa ng on the spot na audition, ang mga sunud-sunod na quizzes at examination naman ang hinarap ko.

Sa loob ng ilang araw na naging abala ako ay hindi ko napansin na malapit na pala ang sinabing araw ni Martin na pagluwas ko sa Maynila. Sa huling tawag niya sa akin ay susunduin niya raw ako para personal na ihatid sa lugar kung saan kami magkikita ni Papa.

Aaminin kong naging malamig ang pakikitungo ko sa kanya. Iyon ay dahil sa kawalan ng oras niya para sa akin. Idagdag pa ang mga ideyang sinabi ni Jigo sa akin noon. Sa tuwing nale-late siya sa pagsagot sa mga text ko, o kaya ay hindi siya nakakatawag sa akin, lalong nadaragdagan ang kutob kong baka nga totoo lahat ng sinabi ni Jigo sa akin.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?" tanong ko sa kanya na may bahid ng pagtatampo.

Pasado alas nuwebe na ng gabi. SInadya kong tumawag sa kanya sa ganitong oras dahil alam kong masasagot niya iyon kahit papaano. Gabi na. Huwag niyang sabihing may trabaho pa rin siya?

I heard him sigh from the other line. I don't know but I felt like he's trying to understand my tantrum. I know that he's tired from working all day and yet kinukulit ko pa siya. But I can't help myself from feeling this way.

I felt neglected.

"I'm sorry, Luna. I'm just busy." Sagot niya.

Hindi na ako umimik dahil alam kong iyon at iyon na lang ang lagi niyang sinasagot sa akin.

Muli siyang nagsalita. "I'll make it up to you. I promise. Kapag nakaluwas ka rito sa Manila, I'm all yours."

Iyon ang lagi niyang ipinapangako sa akin sa tuwing nagtatampo ako sa kanya dahil sa kawalan ng oras niya sa akin. Lubos ang pagtatampo ko sa kanya dahil doon pero hindi ko maikakailang sa ilang minutong pag-uusap naming, sa ilang sandaling oras na inilaan niya sa akin, lahat ng naipong tampo at sama ng loob ay kusang naglalaho.

Pagkatapos ng exams ko ay mabilis akong nagpaalam sa mga kaibigan ko. Nabanggit ko sa kanila na luluwas ako ng Manila bukas kaya kahit gusto nila akong yayaing sumama sa plasa para mamasyal ay hinayaan na nila ako.

Paglabas ko sa gate ay nahagip agad ng paningin ko ang isang pamilyar na sasakyan. Napansin ko rin ang bulto ng isang lalaking nakasandal roon at tila may hinihintay na lumabas galing sa eskwelahang 'to.

Si Jigo.

Umayos siya sa pagkakatayo ng makita niya ako. Unti-unti akong lumapit sa kanya. Isang matamis na ngiti ang ibinungad niya sa akin. Bahagya rin akong nangiti ngunit nangunot ang noo ko nang mapansin ko ang itsura niya.

He's not in his typical outfit. Naka-polo shirt siya na kulay powder blue na naka-tuck in sa ipinares niyang dark maong pants at brown leather shoes. Tanging ang leather belt at ang brown na wrist watch lamang ang kanyang suot. Ang mga piercings niya sa kanyang tenga at labi ay hindi niya suot ngayon.

He saw how I smiled at him in disbelief. He really changed! Kung hindi ko lamang kilala ang kanyang pormahan ay hindi ko aakalaing si Jigo nga ang nasa harapan ko.

Nakita ko kung paano siya nailang sa naging reaksyon ko. Nangingiti na rin siya habang hawak ang kanyang batok. His eyes settled on the ground.

"I know right. It doesn't suit me." Tanging nasabi niya.

Lalong nangunot ang noo ko habang nakangiti pa rin sa kanya. His appearance changed but he's not aware that he looks more handsome than his usual attire.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon