CHAPTER 18

570 9 0
                                    

Luna


"Please don't leave me, Martin. Please don't leave me."

My face was drenched by my own tears. Mahigpit ang yakap ko sa kanya. Ayokong bumitaw. Ayokong iwanan niya ako. Ayokong mawala siya sa tabi ko.

I heard him sighed bago niya ako inilayo ng bahagya at hinawakan sa aking magkabilang balikat.

"I don't want to leave you but this is your home." Malumanay na sabi niya.

"Luna!" umalingawngaw ang isang malakas na boses mula sa aking likuran.

Hindi ko na siya binigyan ng pansin. Ni hindi ko na nagawa pang lumingon sa kanya. Na kay Martin lang ang atensyon ko.

Naramdaman kong bumaba ang pagkakahawak ni Martin sa aking siko. Sinundan ko iyon ng tingin bago ko ibinalik kay Martin ang atensyon ko.

"As much as I wanted to keep you with me, I have to leave you here."

Umiling ako. Hindi! Huwag ngayon. Please. My mind is screaming with my silent pleas.

"I'll call you always. We'll text, too."

He held my head and kissed my temple. Matagal. May diin. Pero may kasamang seguridad. In an instant, his kiss made me calm.

At bago pa nakalapit si Jigo sa amin ay iniwan na ako ni Martin sa kinatatayuan ko. Sandali pang nanatili ang sasakyan niya roon ng ilang segundo bago iyon umandar palayo sa amin.

"Luna..." marahang boses na ngayon ang narinig ko. Nangilid ulit ang mga luha ko pero pasimple ko iyong pinalis bago ko siya lingunin ulit.

I looked at him sharply while he slowly approaching me. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya kanina kay Martin. Ano'ng nakakatawa sa pambabastos ni Mama sa kasama ko? I can almost sense his doubts for reaching me pero nagpatuloy pa rin siya sa paglapit sa akin.

"Sorry kanina. I didn't mean that." Ika niya.

He reached my elbow pero marahas ko iyong hinawi sa kanyang pagkakahawak.

"Binastos mo ang kasama ko, Jigo. Kayo ni Mama. Wala siyang ginagawang masama sa inyo!" mahina ngunit madiin kong sinabi sa kanya. Puno ng galit ang boses ko ng sabihin ko iyon.

"Tinago ka niya sa amin. Hindi ko lang maiwasan ang mag-alala! Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang galit ko kanina kaya ko lang nagawa iyon!"

"Sino ba kasing nagsabi sa'yong mag-alala ka? Ha?!" singhal ko sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi ko. I saw a pang of pain in his eyes. Pero hindi ko iyon pinansin. My rage is fuming because of what happened earlier.

I continued. "At hindi niya ako itinago! Kusa akong sumama sa kanya! Alam mo, hindi pa talaga ako uuwi ngayon, eh. Ise-celebrate pa sana namin ang birthday ko! Pero dahil sa nangyari kay Mama, napilitan akong uwian siya para ayusin ang problema! Pero dahil ayaw niya akong mamroblema ngayong araw, siya ang umayos sa gulong ginawa ng magaling kong ina!"

Namilog ang mga mata niya sa narinig pero hindi siya umimik. My breathing is fast and deep. I wanted to say more. I wanted them to feel how's like to be humiliated, just like what they did to Martin.

Bahagya ko siyang naitulak. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?! Ba't ka pa pumunta rito?" muli kong sigaw sa kanya.

Ngunit imbes na sagutin niya ang mga tanong na ibinato ko sa kanya, mabilis niyang kinuha ang magkabilang kamay ko at iginiya iyon sa kanyang matipunong dibdib.

"Sa akin mo ibunton ang galit mo." marahan niyang sinabi sa akin.

Hindi ako nakakilos sa sinabi niyang 'yon. Pati ang magsalita ay hindi ko nagawa. Tila may bumikig sa aking lalamunan. Diretso lang ang tingin niya sa aking mga mata na parang nagsasabing gawin ko nga ang sinabi niya.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon