CHAPTER 9

675 16 4
                                    

Luna


Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Martin. Tutulungan niya akong hanapin si Papa. Kahit sa nagdaang panahon na hindi na ako umasang makikita at babalikan niya pa kami, sa oportunidad na inaaalok sa akin ng kaibigan ko, para akong nabuhayan ng loob. Ang pananabik ko sa isang ama ay muling nabuhay. Gusto kong malaman ang dahilan niya kung bakit hindi niya na kami nagawang balikan pa ni Mama.

Habang nag-uusap kami ni Martin ay biglang may lumapit sa amin.

"Excuse me." Mahinahong boses ang narinig ko. Nang tingilain ko kung sino iyon, it was Migs.

I shifted on my seat at bahagya siyang hinarap. "Uy! Kararating ninyo?" I asked.

Umiling siya. "Kanina pa kami rito, Luna. Magi-start na kasi tayo mamaya." He glanced coolly at Martin.

Napansin ko ang tingin na iyon kaya ako na ang nagkusa para magkakilala ang dalawa.

Tumayo ako. "Uh, Martin... si Migs, kasama ko sa banda. Migs, si Martin, kaibigan ko." pakilala ko sa kanya.

Martin stood up and offered a handshake. Tinanggap iyon ni Migs. I sighed in relief. Buti pa itong dalawa at kalmado sila sa unang pagkikita. Hindi katulad noong isa.

"Halika na?" Yaya ni Migs.

Tumango ako. "Sige Migs, susunod ako." Nakangiti kong sagot sa kanya. Tumango rin siya saka ibinaling ang tingin kay Martin bago tuluyang umalis sa mesa namin.

"He's calmer." Tanging sinabi niya. I smiled at him. Indeed. Sa kanilang apat, si Migs ang pinakaseryoso sa kanila. Sila Zion at Chad kasi ay mga loko-loko at si Jigo... hindi ko alam.

"Martin, sasama na ako sa kanila. Uhm..." kinamot ko ang sentido ko. "Manonood ka ba?" Alanganin kong tanong sa kanya.

He nodded. "Yes, I'll finish your performance tonight. I assume I'll drive you home?" his voice is full of hopes.

I puckered my lips to suppress a smile pero halata pa rin ang hindi maitagong ngiti dahil sa kilig. I cleared my throat and composed myself.

"S-sige." I answered.

He called the waiter to settle our bills. He handed a black card to him. Sa mga ganitong pagkakataon, nakakaramdam ako ng hiya sa kanya dahil wala akong mai-ambag sa gastusin. Hindi ko naman kasi afford ang ganitong klaseng dinner date. Baka nga kulang pa ang sasahurin ko sa gabing ito kahit mag-hati pa kami sa babayaran.

Teka. Dinner date? Date ba itong maituturing? Pwede naman yata sigurong mag-date ang magkaibigan 'di ba?

Sa susunod, ako naman ang manlilibre. Pero kumakain ba siya sa karinderya? Baka maselan ang tiyan nito. Mayaman eh. Baka hindi sanay sa turo-turong pagkain. Konsensya ko pa kung sumakit ang tiyan niya.

Siguro'y ipagluluto ko na lang? Hmm. Pwede rin.

Nang makabalik ang waiter para isauli ang card niya, iginiya niya ako paalis sa mesa namin. Hinatid niya ako sa grupo namin sa gilid ng stage. Ipapakilala ko pa sana siya sa mga kasama ko pero busy na sila sa pag-prepare ng mga instrumento.

"I'll stay in the bar while watching." Martin said.

Tumango ako. Jigo is eyeing me. I smiled at him but he only grimaced. Herodes na 'to. Parang bata!

Throughout the night, wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-perform. Kung minsan ay tumutugon din sa mga song request ng mga customers. In the bunch of crowd, I saw a familiar face. It was Rico, ang bank teller sa bangkong pinagde-deposit-an ko.

I saw him handed a small paper to the waiter at binulungan siya. Inabot iyon sa akin at nang binasa ko, tumaas ang kilay ko.

When I Met You

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon