Luna
Simula ng tumira si Peter sa bahay namin, naging madalas ang bangayan namin ni Mama. Gusto ko mang umiwas sa tuwing nagsasalubong ang landas naming tatlo, hindi ko naman iyon magawa dahil maliban sa maliit din ang bahay ay madalas dito na rin nagyayaya si Mama ng inuman kasama ang mga barkada niya.
Lalo pa akong nanlumo sa sitwasyon ko ngayon dahil dumadalang na rin ang pagtawag at pag-text sa akin ni Martin. Mas naging abala siya sa kanyang trabaho. Kung tatawag man siya ay gabi na, pagkatapos ng trabaho. Naisisingit niya rin ang pag-text sa akin sa tuwing may libre siyang oras.
I miss him so much but I can't be selfish right now. He's also needed in their company. Hindi pa rin naman niya ako nakakaligtaang tawagan kaya ayos na sa akin iyon.
All I can give to him now is my support and understanding.
Kaya madalas, kung hindi si Jigo at Migs ang nakakausap ko, ang mga bagong kaibigan ko ang nakakapagpalimot sa sitwasyon ko ngayon sa bahay.
"Eh kung mag-board ka na lang din tulad namin?" sabi ni Mitch.
Nagsimula na ang klase namin dalawang linggo na ang nakakaraan. Nasa kiosk kami ngayon habang naka-tambay at naghi-hintay sa susunod na klase.
Inalis ko ang kamay ko sa aking mukha mula sa pagkakalumbaba at ngumuso. Umayos ako ng upo habang tinitingnan ko siyang umiinom ng juice.
"Ba't ako magbo-boarding house, eh bahay ko rin naman 'yong tinitirhan ko?" balik-tanong ko sa kanya.
Naikwento ko na rin sa kanila ang nangyari sa bahay namin. They were worried at me kaya hindi sila nauubusan ng pag-payo sa akin sa mga pwede kong gawin.
"Masama ang kutob ko diyan sa lalaki ng nanay mo. Parang hindi gagawa ng mabuti." Sagot niya.
I sighed.
Hindi ko masisisi si Mitch kung ganoon ang tinuran niya. Simula rin kasi ng tumira si Peter sa amin ay hindi nakatakas sa paningin ko ang mga malagkit na titig niya sa akin. Lalo na kapag bagong gising ako at tanging shorts at sando lang ang suot ko.
Kaya simula noon, hindi ko na naisusuot ang ibang mga damit-pambahay ko. Madalas ay naka-jogging pants at t-shirt ako at pajama na rin ang suot ko kapag natutulog. Bumili rin ako ng heavy duty na door lock, na suhestiyon na rin ng mga kaibigan ko.
I did not tell all my worries about these things to Martin. Ayoko nang dagdagan ang iisipin niya. Saka na lamang siguro ako magku-kwento kapag hindi na siya naging abala.
"Alam mo..." sabat ni Edison. "Mura lang 'yong binabayaran sa tinutuluyan namin. Kahit bed space na lang ang kunin mo." Mungkahi niya.
"Ay, oo! Sakto lilipat sa ibang kwarto 'yong kasama namin ni Karen. Pwede ka ro'n!" Mitch gladly suggested.
Nag-isip ako. Ang savings ko ngayon ay para sa pag-aaral ko lamang. Medyo nakaluwag-luwag din ako dahil inako nga talaga ni Peter ang gastusin sa bahay. Pero ang mga personal na kailangan ko ay ako pa rin ang bumibili. Lagi siyang nag-aabot sa akin ng ilang libo para raw may magamit ako pero hindi ko iyon tinatanggap.
"Magkano?" I asked.
"Five hundred pesos lang sa isang buwan. May dagdag na one hundred pesos sa bawat appliances na dadalhin mo. Sa amin kasi ni Karen, may dagdag ang binabayaran namin monthly dahil may dala kaming electric fan, plantsa, rice cooker at laptop." Paliwanag ni Mitch.
Siniko ako ni Karen. "Magkakasama pa tayong apat." She smiled and winked at me.
I chuckled at her remarks. Kahit sila ay natawa rin sa sinabi niya. Parang sila pa ang mas excited sa naiisip.

BINABASA MO ANG
Sing for Me, Love
Storie d'amoreLumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para matugunan ang pangangailangan nila ng kanyang ina at para siya'y makapag-aral. Sumaside-line siya bi...